Chapter 6

26 1 5
                                    

A/N : Gumawa pa rin ako kahit wala pa yung hinihiling ko. HAHAHAHA K ./.

~~~~~~

Louela's POV

Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw.

Tinignan ko ang buong paligid at nandito ako sa loob ng kwarto namin ni Bill.

Iba na rin yung suot kong damit.

Shit. Ano 'to? Oh di kaya pinalitan niya ako? Nako! Nako! Oh di kaya may nangyari sa amin kagabi? Virgin pa kaya ako? Halah :o

Hindi. Mali 'yang iniisip mo. Erase. Erase. Erase. Okay fine! Magasawa naman kami. Pero parang ang pangit naman kung papalitan niya ako o gagalawin niya ako dahil may away na nangyari sa amin.

Bumaba ako para hanapin siya.

Nakita ko siyang abala sa kusina na mukhang nagluluto ng breakfast.

Ang ganda ng likod niya. Nakaboxer lang siya. Yummy! Mas masarap siya kaysa sa niluluto niya siguro.

Pumunta ako sa ref para kumuha ng maiinom. Napansin niya naman agad ako.

"Goodmorning, Honey!"

Inalalayan niya naman ako sa pag - upo at binigyan ng makakain. Umupo naman siya sa harapan ko para kumain.

Busy siya sa pagkain niya at ako naman busy sa pagtitig sakanya.

Ang yummy niya! Penge extra rice please!

Ang awkward ng nangyayari sa amin ngayon. Sobrang tahimik. Masyadong nakakabingi ang katahimikan ngayon.

May times na tumitingin siya sa akin at may times na nagkakaeye contact kami.

~~~~~~

Bill's POV

[Hello?] -Zinnia

"Bes, pwede ka bang pumunta dito sa bahay ngayon please? Kailangan talaga e"

[Ano nanaman bang problema mo? Madaling araw na oh at gising ka pa. Inaantok pa ako. Goodb---]

Napatigil siya sa pagsasalita dahil inunahan ko na siya.

"Ipapaliwanag ko nalang sayo kapag nandito kana. Punta kana dito ngayon. ASAP!"

At inend ko naman yung tawag. Bastos na bastos. Lampake!

Pagkalipas ng limang minuto bigla nalang may nagdoorbell.

Mabilis akong pumunta sa gate para pagbuksanan siya.

"Oh? Ano bang problema m----"

Bigla ko siyang hinila papunta sa kwarto.

"Bes, pwede mo ba siyang bihisan please? Di ko kaya kapag ako magbibihis sa kanya" Tinignan naman niya ako ng masama "Araayy! Ang sakit nun ha"

Bigla ba naman akong batukan nitong babaeng 'to.

"Asawa mo, di mo kayang bihisan? Ayaw ko. Ikaw na magbihis. Sanayin mo"

"Sige na please. Nagaaway kami ngayon e. Tsaka ano... ano kasi. Basta! Please. Bihisan mo na siya. Mageexplain nalang ako sayo kapag tapos na please"

Mukhang naaawa naman siya sa akin at....

"Oh sige na nga. Sige na nga. Kung di lang sana kita kaibigan di sana kita pagbibigyan. Nasaan ba yung mga damit niya?"

"Salamat talaga. Salamat talaga bes. Maaasahan ka talaga. Nandun oh!" Itinuro ko naman yung kabinet malapit sa bintana

Lumabas naman ako at naghintay na matapos para palitan ng damig si Louela.

Bigla naman lumabas si Zinnia ng kwarto at mukhang tapos na siya para palitan si Louela.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Got MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon