KABANATA 33

185 9 0
                                    

Kakaalis pa lang namin ni Divina sa kubo dahil pupuntahan namin si Marisol sa kanila. Kalahating araw daw akong walang malay nung nakaraan. Ang naalala ko na lang ay nawalan ako ng malay dahil sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam pero pagkagising ko kahapon ay pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko.



Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami ni Divina kina Marisol sakay ng sarili naming mga kabayo. Natanaw na namin ang bahay nila sa hindi kalayuan. Nakita na namin ang isang babae na nagsasampay ng mga damit sa labas ng isang kubo na sigurado akong si Marisol. Nakita niya na kami at kumaway pa siya at halos tumakbo na sa pagsalubong sa amin.



"Mga Señorita!" sabi niya habang kumakaway. Natawa kami ni Divina at bumaba na ng kabayo.



"Labis-labis po talaga ang saya na aking nadarama ngayon na nakita ko kayong dalawa! Pagpasensyahan niyo po aking inasal," sabi niya sa amin at yumuko. Nagkatinginan kami ni Divina. Tinaas ko ang baba ni Marisol.



"Hindi mo na kami pinaglilingkuran ngayon, Marisol. Wala na kaming kahit na ano ngayon kaya pantay na ang antas ng pamumuhay natin," sabi ko at tinignan siya sa mga mata. Kumikinang ang mga mata niya habang tinititigan ako at nakangiti. Halos mapatili siya sa saya nang yakapin niya ako bigla. Nilingon niya rin si Divina at nagyakapan sila nang mahigpit.



"Pakiusap po, tumuloy kayo sa aming maliit na tahanan," sabi ni Marisol at inalalayan kami sa daan papunta sa maliit nilang kubo. Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay maliit lang talaga na kubo. Sinuyod ko ang itsura ng bahay nila.



"Sino pa ang iyong kasama na naninirahan sa munting tahanan na ito?" tanong ni Divina. Binigyan ako ng upuan ni Marisol at umupo naman ako kaagad.



"Ang aking lolo," sabi ni Marisol. Naalala ko na 'yun nga pala ang kumausap sa amin ni Asterio.



"Nasaan na siya ngayon?" dagdag na tanong ni Divina.



"Nagsisilbi po iyon sa mansion nina Ginoong Francisco bilang hardinero," sabi ni Marisol. Sabay kaming tumango ni Divina.



"Magpupunta po ako ngayon sa simbahan, nais niyo po bang sumama?" tanong ni Marisol.



"Oo naman, matagal-tagal na rin nang huli kaming nagpunta sa simbahan," sabi ni Divina.



"Mabuti kung ganoon. Ngayon ko lang napag-alaman na marunong pala kayong mangabayo," sabi ni Marisol at natawa.



"Natutuhan ko lang kay Emiliana," natatawang sabi ni Divina. Nilingon ako ni Marisol at kinindatan ko siya. Napailing siya at natawa.



"Tara na, mga Binibini at mamasyal rin tayo sa Bayan pagkatapos nating mangumpisal," sabi ni Marisol at inalalayan niya kami palabas ng kubo nila. Isinara niya lang ang pinto ng kubo nila at naglakad na kami papunta sa mga kabayo namin na nakatali sa puno.



"Nakakahiya man ito sabihin ngunit ito po talaga ang unang beses kong makakasakay sa kabayo," sabi ni Marisol at parang amaze na amaze sa mga kabayo namin ni Divina.



"Okay lang 'yan, kargo ka ni Divina," sabi ko at tinapik ang likod. Nagulat si Divina at tinuro ang sarili niya. Tumango ako, nginitian siya sabay kindat.



"Kaya mo 'yan," bulong ko kay Divina habang nakatalikod sa amin si Marisol.



"Marisol, kay Divina ka sumakay," sabi ko. Nilingon ako ni Marisol at nakangiting tumango.



Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa simbahan ng San Miguel. Inalalayan ni Divina si Marisol na bumaba sa kabayo. Pagkababa niya ay lumingon siya sa iba't ibang direksyon. Hindi gaano matao sa simbahan dahil hindi naman linggo. Pumasok kami sa simbahan at naunang mangumpisal si Marisol.



Take Me Back to the Time We Met Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon