LISA
Nandito ako ngayon winebar sa bahay at umiinom nagaway kasi kami ni Jennie alam ko naman na mali yung ginawa ko na siya ang sisihin, sinusubukan ko naman ulit siyang tawagan ngayon pero hindi niya sinasagot siguradong galit na galit saken ngayon yun.
Alam ko rin na mali itong ginagawa ko na may asawa akong tao pero mahal ko si Jennie alam kong maling mas tinutuunan ko pa ng pansin si Jennie, hindi ko naman magawang iwasan kasi mas una kong minahal si Jennie kaysa sa asawa ko magkaibigan pa lang kami ng Kuya niya ay mahal ko na siya di ko lang masabi dahil siguradong magagalit ang kuya niya hanggang ngayon naman na may relasyon na kami hindi pa rin nito alam dahil siguradong bubugbugin ako noon sapagakat ginawa kong kabit ang kapatid niya.
Mga ilang minuto rin akong nandito sa winebar at nakaupo nakatitig sa phone ko at inaantay ang text ni Jennie ng bigla siyang tumawag! sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis nito eh.
"Hello po " sabi sa kabilang linya tiningnan kong muli ang phone ko dahil baka mali ang ng basa ko na si Jennie ang tumatawag dahil iba ang boses ng nasa kabilang linya pero pagtingin ko ay pangalan naman niya ang nakalagay kaya bahagya ako kinabahan.
"Yes sino ka? At bakit mo hawak ang phone ni Jennie" tanong ko rito.
"Si Ms. Manoban po ba ito?" balik tanong niya sa akin.
"Yes ako nga Lisa Manoban" Sagot ko.
"Ay Senator pasensya na po kayo, name niyo po kasi yung huling tumawag sa phone na ito kaya po kayo yung tinawagan namin naaksidente po kasi yung may ari nito dinala lamang po siya ng mga taong nakakita rito sa ospital kaya po nakialam na kami sa phone niya para po matawagan ang family member niya" Sambit niya na ikinagulat ko.
"Ano!!! saang hospital yan ano ba ang nangyari?" Tarantang tanong ko sa kanya dahil nagaalala na ako para kay Jennie.
"Siguro po ay pumunta na lang po kayo dito ko na lamang ikwekwento ang nangyari, dito po siya dinala sa Mt. Carmen Hospital" sagot niya.
"Okay, okay papunta na ako diyan" sabi ko at agad na ibinaba ang phone ko.
Agad akong umakyat sa kwarto para kuhanin ang Susi ng kotse ko at agad agad na bumaba.
"O saan ka pupunta at parang madaling madali ka?" tanong ni Somi sa akin dahil nanunuod siya sa sala.
"May pupuntahan lang ako" walang emosyong sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na nalungkot siya sa inasta ko pero wala akong pakialam ang importante ay mapuntahan ko si Jennie ngayon, dahil kailangan niya ako.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ng bahay namin ay agad kong pinatakbo ang kotse ko ng mabilis kaya mga isang oras lang ay nakarating din ako sa hospital na pinagdalan kay Jennie malapit lang ito sa condo niya at malayo naman sa bahay ko.
Pagpasok ko sa hospital ay tinanong ko agad kung nasaan si Jennie at ang sabi sa akin ay nasa room 201 daw ito kaya dali dali akong pumunta room niya.
Pagtapat ko sa pintuan ng kwarto niya ay nanginginig kong hinawakan ang door knob dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari pagpasok ko kasi baka mamaya pagnakita niya ako ay itaboy niya ako dahil magkaaway kami.
Kaya naglakas na ako pumasok at binuksan ang pinto. Ang doktor ang aking na naabutan kaya agad agad na akong lumapit sakanya.
"Is she okay? What happen to her Doc?" tanong ko sakanya.
"Good evening po Se-senator" bulol na sambit niya halatang nagulat siya ng makita ako. "Ako po si Doc Liam" Pagpapakilala niya sa akin sabay kamay.
"Dinala lamang po ang pasyente dito sa hospital ng mga taong nakakita ng aksidente at ayon po sa kanila ay may kasalubong daw po ang sasakyan ng pasyente at isang tricycle sinubukan daw pong iiwas ito ng pasyente ngunit bumangga siya sa pader at medyo malakas po ito na nag cause ng pamumuo ng dugo sa ulo ng pasyente pero don't worry Senator naoperahan na namen siya at inaantay na lamang siyang magising" Pag eexplained niya na ikinabigla ko kasalanan ko ito.
"Kailan siya magigising Doc" tanong kong muli rito.
"Yan ang hindi ko masasagot agad Senator dahil hindi ko pa nakikita ang reaksyon ng katawan niya sa operasyon pero mukhang matatagalan pa ito dahil medyo malakas ang pagkakasalpok niya sa pader at talagang naapektuhan ang ulo niya dahil hindi raw po gumana ang airbag ng sasakyan niya" sagot ulit niya.
"Thank you Doc" pasasalamat ko sa kanya.
"No worries Senator ginagawa lang namin ang trabaho namin" sabi niya
"Ahm by the way Doc gusto ko siyang ilipat sa VIP room" Sambit ko dahil inilagay nila si Jennie sa hindi kalakihang kwarto.
"Sige po Senator sasabihin ko na lang po sa information" Sagot niya. "Maiwan na kita Senator, balik na lang ako mamaya to check her vitals" pagpapaalam niya at lumabas ng kwarto.
Ilang minuto lang ang hinintay ko at nailipat na rin si Jennie sa magandang kwarto umupo lang ako sa tabi niya at pinagmasdan siya napakaganda talaga niya.
Habang nakatitig sa kanya ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Kasalanan ko ito kung hindi sana kita inaway hindi ka sana naaksidente hindi ka sana magkakaganito" Pagkausap ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.
"Pero wag kang magalala ako ang magaalaga sa iyo ako ang magbabantay sa iyo hanggang magising ka dahil gusto ko mukha ko ang una mong makita pagdilat ng mga mata mo at hihingi ako sa iyo ng tawad sa ginawa ko" dagdag ko pa.
Habang nakaupo ako at hinihimas ang kaniyang kamay ay agad kong naalala ang mga kaibigan niya marahil ay hindi pa nila alam ang nagyari kay Jennie dahil kung alam nila ito ay kanina pa sana sila nandito.
Kaya agad kong tinawagan si Rosé gamit ang phone ni Jennie sinabi ko sa kaniya ang nangyari ngunit hindi ko masyadong idinetalye siguro ay pagdating na lamang niya sapagkat baka magpanic ito at maaksidente rin agad agad naman itong nagsabi na pupunta na siya sinabi ko rin sa kaniya na siya na ang magsabi sa dalawa niyang kaibigan at pamilya ni Jennie na nasa America.
Pagbaba ng tawag ay agad akong bumalik sa pwesto ko kanina at muling pinagmasdan ang natutulog na si Jennie.
"Hon sana ay gumising kana, pangako hindi na kita aawayin at sisihin pang muli" Sabi ko sabay halik sa kaniyang noo at maya maya pa ay hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
The LIfe Of Mistress (Jennie, Rosé, Irene And Solar)
FanficHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig? Handa kabang maging pangalawa at makihati para sa taong iyong minamahal? Higit sa lahat handa kabang matuto para maging pinakamagaling na kabit. ****** Hi guyysss! First of all huwag kayo umasa na...