Chapter 4 : RL

2 1 0
                                    

"pwede pong makita yung gumagamot sa kanila kuya Jun?" Tanong ko dito.

"Sige po Senyorita, allan tapusin mo muna to at ipapakilala ko lamang sandali si RL. Pasensya na senyorita kung di na namin nabanggit sa inyo ito." Utos nito sa isang kasama nya.

"Ayos lang po, basta sa kapakanan naman po ng hacienda wala naman pong kaso sa akin iyon." Sagot ko dito.

Di ko alam pero nakaramdam ako ng interest doon sa RL na binanggit ni Kuya Jun. Gusto ko lang magpasalamat ng maaga kasi tinulungan nya kami dito.

Ilang sandali pa ay naaninag ko na isang lalakeng binibigyan ng gamot isa isa ang manok.

Nakapwesto ito sa may ilalim ng puno at nakatayo sa tabi ng isang malaking lamesa na pinagtutung-tungan ng mga manok, binibigyan ng gamot. Seryosong seryoso ito sa ginagawa at nakaface mask din kaya di ko gaano klaro kita ang mukha nito.

'Sayang..'

Napansin siguro nyang palapit kami kaya lumingon sya sa gawi namin, una syang tumingin kay Kuya Jun at sunod kay Annie, huli sa akin--pero saglit lang tsaka nya itinuloy ang gingawa.

Napangiwi ako sa inasal nito. 'Ay,Snabero!'

Wala man lang bati oh ano, nakita nya naman kami palapit. Tss!

"Doc! May papakilala ako sayo! Ma---" Bati agad ni Kuya Jun sa kanya.

"--Alam mo Jun, kung isa nanaman yan sa mga irereto mo sakin, tigil tigilan mo." Putol nito ng di man lang pinasadahan ng tingin si Kuya Jun at tinuloy tuloy lang pag bibigay ng mga gamot sa mga manok.

Nanlaki naman ang mata ni Kuya Jun sa sinabi nito tsaka tumingin sa akin at ngumiti ng alanganin, si Annie naman ay nanlaki ang mata at dahan dahan akong nilingon, tsaka pinagmasdan ang magiging reaksyon ko sa sinabi nito.

Pinaningkitan ko ang sinabi ng snaberong lalakeng kaharap ko at pinagtaasan ng kilay.

'isnabero na nga, taas pa ng tingin sa sarili!' bulong ko sa aking sarili.

"Ang lakas ng hangin, may amihan yata." Sarkastika kong sabi. Sinadya ko talagang lakasan, di rin nakaligtas sa akin ang paglingon nya after ko bangitin iyon, mabilis lang para pa nga nya akong inirapan. 'bakla ata to?!'

"Ah-Eh-- he-he! Sa-Sandali lang po ah--" Kunwaring natawa si Kuya Jun sa sinabi nito at biglang binulungan at dahan dahang tinapik sa balikat ang lalake.

Tumingin naman sa akin ang lalake na parang nabigla sa binulong ni Kuya Jun sa kanya. Di ko parin maalis ang paningkitan sya ng tingin dahil pagiging mahangin nya.

Mabilis nyang tinigil ang ginagawa, at inalis ang surgical gloves na suot nito. Nagalcohol at hindi parin inaalis ang facemask.

'Mata nya kang talaga makikita ko? Ganun, okay.'

Maganda mga mata nya, malalim. May kakapalan ang kilay nya na parang akala mo ay may pagkaarabo. Ang katawan naman nya ay halos humapit na manggas ng Blue polo short neto at nakapants ng light brown na nakatiklop sa malapit sa sakong, at ang sapatos, berkins.

Kaso sayang. Mayabang.

'wow, ako ba yung may sakit? Oh yung mga manok? Daig pa ko sa sobrang kaartehan!'

"A-Ah, S-Senyorita si RL po pala ang beterenaryo dito sa Buong Salvacion. Sya po yung tinutukoy ko sa inyo, A-Ah--RL si Senyonrita Caroline Leigh Salvacion, apo ng namayapang Senyor Lorenzo Salvacion ang tagapagmana ng Hacienda Salvacion." Kabadong pagpapakilala ni Kuya Jun sa amin.

"Kinagagalak ko po kayo makilala." Sabi nung RL, sabay lahad ng kanang kamay neto. Pinagmasdan ko lamang iyon. 'Ha! Akala mo ah! Manigas ka dyan!'

Kita ko naman paano kabahan si Kuya Jun, at mga tao sa paligid namin. Kaya huminga muna ako ng malalim at pinailit na magpaka-profecional.

Always and Forever ( ON-GOING )Where stories live. Discover now