Chapter 3 : Beginning

2 1 0
                                    

This part is a Weeks later, after nila maasikaso ang lahat sa hacienda yung ipakilala sya sa buong lugar at makagraduate from states.. kung baga fast forward naaaa.. hihi! ☺️✨
~~~~~~~~~~~~~~~

Nagising ako sa sinag ng araw na halos tumagos na sa aking bintana.

Mga munting ibon na kumakanta at humuhini sa puno ang unang tumambad sa aking paningin.

'Napaka aliwalas ng panahon..' bulong ko sa aking sarili, at dahan dahang bumangon sa pagkakahiga.

Nagunat din ako sandali para tuluyang magising ang aking diwa. Inikot ko ang aking paningin, sa buong aking kwarto. Muling tinandaan ang bawat sulok, laman at itsura neto.

Di parin ako makapaniwala, ito na talaga--Ako na ang namumuno at naging tagapagmana sa Buong Hacienda Salvacion.

Afterng gabing magusap kami ng kakambal kong si Cameron, ay agaran ng inasikaso nila Dad ang mga papeles para sa susunod na mamahala neto, at di nga ako nagkamali na ako ang talaga ang pamumunuin nila dito.

May ilan na hindi pumayag, dahil bata pa daw ako masyado at walang alam sa pamamahala neto, higit sa lahat ay babae ako. Ang iba naman ay pumayag dahil una ako lang ang nagiisang panganay na apo ng Lolo, at noon pa naman ay nakitaan na rin nila ako ng kakayahan para mamuno dito.
Mas ipinaintindi din ni Dad na ako'y Graduate ng college at wala nang makakasagabal pa sa akin pamumuno dito.

Medyo nakaramdam ako lungkot para sa kapatid ko pero nangako akong gagawin ko lahat wag lang mawala sa amin at mapabayaan itong Hacienda, lalong lalo na kay Lolo.

Nagaalala din sila Dad sa akin, dahil nga ako ang kauna unahang babaeng maghahandle neto, but i tell them what i told on Cameron. Di na nila ako pinigilan pa, but they given me a few weeks to prove that i can really manage and i am good for taking care of this palce and here it is.

Its been a weeks at nagawa ko naman ng tama ang trabaho at kailangan kong gawin dito, may minsan pagkakamali, but its normal for a first time. Binabalitaan ko naman sila Dad at Mom sa nangyayari dito sa Hacienda, lalong lalo na kay Cameron na ngayo'y busy na sa reviews nya for the Board. Di ko na sya gaano kinukulit about dito para makapag focus sya, but i alway tell him how i proud of him as a sister.

Nakakainis lang at tinanghali nanaman ako ng gising, i slept around four in the morning and i guess ang naitulog ko lang ay mahigit apat na oras lang.

Sinubukan kong kuhain ang Cell ko, para icheck kung anong oras na at napa'TSK' ako ng makitang alas otcho na pala ng umaga.

Mabilis akong bumangon at tumakbo papuntang banyo para makaligo na't makapagasikaso ng maaga.

After i do my morning routine, sinuot ko na ang aking napiling damit sa kaninang madaling araw ko inasikaso bago ako makatulog.

Hinubad ko na ang aking Bathrob, tsaka kinuha ang aking susuotin. I wear my maroon na three forth sleeves,yung di lalagpas sa siko and i matched it with a peach satin flowy skirt na aabot hangang ibaba ng tuhod ko and i pair it with a brown belt.

I planned to blow dry my hair, para mabilis at maipusod ko ng aking floral na panyo, and i wear a light make up matched it with not so dark red lipstick para di ako gaanong magmukhang bata tignan pagkasama ko na ang mga kameeting ko later.

Madami parin kasing din makapaniwala na sa edad na 23 years old ay isa na akong naging tagapagmana ng Hacienda, take note kauna-unahang babaeng naging tagapagmana pa.

Medyo kinakabahan ako, dahil ngayong araw ko unang beses na makakaharap ang mga taong  inatasan ni Lolo na managers at mga investors ng bawat sektor ng pananim dito at mga nagaangkat sa amin ng gulay at prutas, pati na din ng mga hayop na ibinebenta sa palengke, malls at supermarkets.

Always and Forever ( ON-GOING )Where stories live. Discover now