He was born on February 29. We still consider that we're in the same age right now. However, to state the exact time, he's only 7 while I'm 28, when we got married.
When I marry Sean.
"Bernadette! Asawa ko!" Sigaw dito, sigaw doon. Yan palagi ang asawa ko.
"Gising na!" Pati pagising ko sa umaga, ang kakulitan kaagad nya ang bubungad sa akin.
"Sabay tayo maligo," takot sa malamig ma tubig ang mahal kong asawa kaya sabay kami naliligo. Minsan pinapaliguan ko pa ang hayop na ito.
"Bernadette ano yung six? Masarap daw yon narinig ko kila Junjun," Halos maibuga ko yung kapeng iniinom ko sa muka nya. Naguguluhan ako sa dapat kong i react. Pero nangigibabaw ang inis ko sa kaibigan nito. Kung ano ano nalang ang pinag tuturo dito sa asawa ko.
"Wag kang makikinig sa mga kaibigan mo!"
"Nakyuryoso lang ako mahal," seryoso nyang tugon.
Isang linggo ang lumipas simula nung matanong nya ang bagay na iyon, bigla ko syang naabutan sa gilid aming pinto habang umiiyak.
"Bernadette asawa ko, bobo ko raw,"
"Sino nag sabi?"
"Sabi ni kumare mo, gusto nya kase pumatong ako sakanya, kaso ayaw ko kase mabigat ako. Pero pinilit nya ako eh, kaya sinubukan kong pumatong sa ulo nya. Sinampal nya pa ako, bobo ko raw," Agad na nag init ang ulo ko at agad na sinugod ang kapitbahay namin.
"Heidi! Ano tong kalokohan ginagawa mo sa asawa ko?" Hindi pa ito nakasagot ay agad ko na itong tinuruan ng leksyon. Hindi ko sya sinabunutan o ano. Binulgar ko lang ang mga utang nya sa amin at sa pagtatangka nya sa asawa ko dahilan ng halos mabaliw sya a kahihiyan.
Inosente lang ang asawa ko sa mga malalaswang bagay dahil lumaki ito sa striktong pamilya, at ngayon, pilit na ipinakasal sa akin. Pero hindi ibig sabihin ay mangmang sya. Mabait si Sean at responsable. Wala akong pamilyang kinalakihan bukod sa mga tiyahin ko, kaya napilitan akong sumama at mag pakasal sakanya upang hindi na makakaabala pa sa iba. Hindi sya mahirap mahalin, at sa konting panahon, natutunan ko ring mahalin sya.
"M-mahal," ilang araw na ang nakalipas ng mapansin kong hindi na sya nag iingay at laging nalulungkot.
"Pinag tawanan ako nila, kase pitong taong lang daw ako. Pinaliwanag ko naman sa kanila na 28 na ako. Pero isip bata daw ako, at nababagay ang ugali ko sa totoong edad ko," tiningnan ko lang sya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri.
"Mahal, isip bata ba talaga ako?" Agad akong umiling.
"Inosente ka lang sa mga bagay bagay Sean, yun ang totoo,"
"Magbabago na ako mahal," mahinang tugon nito. Batid kong labis syang nasasaktan.
"Mahal, hindi mo kailangan mag bago, tanggap naman kita kahit nakakainis ka madalas eh," Ngumiti lang sya sa akin at yinakap ako.
Kinabukasan, nag ibang tao na ang asawa ko. Tiningnan ko sya sa labas ng kwarto at pinagmamasdan ang ginagawa nya.
"Honey, the breakfast is ready," bungad nito nang mapansing gising na ako.
"A-anong... Ikaw nagluluto? Bakit ka nag kakaganyan?" Naninibago ako sa asta nito.
"Ayoko na masabihan ng isip bata, asawa ko. Mas okay na ang ganito," ngumiti lang ito ng mapait. Hindi ako sanay sa inaasta nya.
"Eh wala namang mag babago Sean," pagtitimpi kong saad. Konti nalang ay susugurin ko na yung mga kapit bahay namin. Sila ang nag pabago sa asawa ko.
"At least hindi na ako bata," sagot nito.
"Eh ano kana?"
"Teenager," agad naman akong nabilaukan sa sinabi nya. Wtf?
"Tumahimik ka. Bente anyos kana at isang linggo na pala akong buntis! Magiging ama kana!"
"Hala! Akala ko ang six, ay kasunod lang ng five,"
"Gago, nakakabuo ka pala?" Dun nagsimula ang aming pamilya.
__
Napailing nalang ako habang sinusulat ang kwento ng mga magulang ko."Kyla, nasan papa mo? Isip bata parin ba?" Tanong sa akin ni tito Junjun. Malimit nalang silang nagkikita ni papa, kaya malamang nandito si tito para mangumusta.
"Ah? Opo, isip bata parin. Nandon po sya sa kwarto, dumede kay mama," sagot ko. Agad ko namang natakpan ang bibig ko, pero mukang wala lang yun kay tito, nasanay narin ata.
BINABASA MO ANG
When Everything Glooms [One-Shot Stories Compilation]
ContoThis is a compilation of tragic one-shot stories. Enjoy reading!