C H O S E N

2 1 0
                                    

“Viro, can I court Crystal?” tanong na nakapag patigil ng mundo ko. I tried to act cool and forced myself to smile.

“Baliw ‘to, ba‘t ka sa‘kin nagtatanong?”

“Viro, hindi ako tanga. Hindi lang kita pinsan, kaibigan din kita. Halos magkadikit na bituka natin simula pa nung bata tayo. Alam kong may gusto ka kay Crystal,”

“Zayn, ayos lang tanggap ko naman, tanggap ko kayo,” saad ko at umastang may nakakatawa. “...Actually, naunahan na kita. I confessed my feelings for her last month but she refused,”

“Pero—” Hindi ko na sya pinatuloy.

“Zayn, ikaw na may sabi na magkaibigan tayo. I said it's fine,”

***
Weeks later after that conversation with Zayn, nabalitaan ko nalang na sila na ni Crystal. Ang babaeng minahal ko ng sobra. Pero ngayon, pagmamay-ari na ng iba. Ang pinapangarap kong makasama sa hirap at ginhawa. Pero ngayon, wala na.

Pero hindi pa dito magwawakas ang buhay ko. I deserve someone better, and I know that someone deserves my best. I choose to move on kahit mahirap. Instead gawin kong miserable ang buhay ko, pinili kong bumangon. I shift to another career and choose to live in province together with my grandma. Lumipas muna ang tatlong taon bago ako maka move on kay Crystal.

Bumalik ako ng bayan makalipas ang tatlong taon. Kasalukuyan akong kumakain sa karenderya nang mahagip ng mga mata ko ang imahe ni Crystal. Kumaway ito sa‘kin at binati ko rin sya pabalik. Umupo ito sa harap ko at pinagmasdan ako habang kumakain.

“Kamusta kayo ni Zayn?” panimula ko.

“Luh? Hahaha matagal na kaming wala no,” natatawang sagot nya. Nangunot naman ang noo ko.

“Anong nangyare?”

“Masaya akong makasama si Zayn. Habang magkasama kami, mas lalo kong nakilala ag sarili ko,”

“Yon naman pala eh, bat kayo nag hiwalay? Kelan pa?”

“Hindi kami umabot ng dalawang taon hahaha. ‘Yon na nga, mas lalo kong nakilala ang sarili ko kaya kami nag hiwalay.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ano ka ba Viro, lesbian si Zayn. Tanggap naman natin ‘yon eh, at kahit naguguluhan ako no’n, napagtanto ko nalang sa sarili ko na babae talaga ako at hanap ko ay tunay na lalake,” malungkot na saad nya. Agad naman akong napangiti sa sinabi nya.

“Sana nalaman ko ‘to agad,” mahinang tugon ko.

“Pwede pa naman nating ayusin yung nakaraan Viro.” Pagtutukoy nya sa relasyon na tinanggihan nya noon. Napangiti ulit ako, pero ngiting mapait.

“Pasensya kana Crystal, pero may mahal na akong iba. I mean, noon pa man ay minahal ko na talaga sya, pero ngayon lang ako nakabawi sakanya eh. Pasensya kana.” Agad naman itong ngumiti sa akin ngunit nag sibagsakan ang mga luha nito.

“Ang swerte naman nya, who is she?” anito.

“He is God,” I said na mas lalong ikinaiyak nya. Hindi ko narin mapigilan ang sarili kong maiyak.

Even though wala akong pinagsisihan sa career na pinili ko, even though serving God is the best thing that I can do, I just can't deny the fact that I'm still a man who loves a lady.

At ngayon, siya na naman ang mag-mo-move on sakin.

When Everything Glooms [One-Shot Stories Compilation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon