I was 16,
When I met Sophia.
Siya ay naging pinagkakatiwalaan kong kaibigan.
Despite of so many problems in life, hindi niya ako iniwan sa ere. Hinarap ko ang mga hamon sa buhay na kasama sya.I was 17,
When we both encountered a gang fight near our house. Pareho kaming nagulat at nataranta. Agad akong namumulot ng mga bato at pinagbabato ito sakanila. Natigilan naman ang dalawang panig at binigyan kami ng matatalim na tingin.
Palapit na kay Sophia iyong isa nang may kamaong dumapo sa pisngi nito, at agad siyang tumilapon sa daan.Napakabilis lang ng pangyayare, at agad nang nagsisitakbuhan ang mga ulupong na gangsters. Lubos kaming nagpapasalamat sa taong nagligtas samin sa gulo.
His name is Sean.
Days, weeks have passed, napadalas ang pagsasama naming tatlo.
We became trio, until we met Maxine.
She's quiet, beautiful and kind. Hindi na ako nagtatakang agad na nahulog si Sean sakanya, at agad itong niligawan hanggang sa naging sila. I sincerely support them as they go deeper in love with each other.I was 18,
When Sean and Maxine suddenly broke up. Simula noon, malimit nalang kaming apat na magkasama. Medyo napalayo narin samin si Maxine. Hanggang sa hindi inaasahan, bigla nalang niya kaming iniwan.Hapon iyon noong mangyare. I was about to climb up stairs when I heard a loud bang behind me. I was totally shocked and panicked. I screamed out loud for help.
It was Maxine who came from above from nowhere.
According to the investigation, Maxine committed suicide. She jumped from the 8th floor of the school building. The incident became a huge issue in our school. Kami ang naging sentro ng mga katanungan, dahil kami ang barkada nito.
Months have passed when Sophia told me that she's already in relationship with Sean. Kahit hindi sigurado, I supported them and I became the third party of the group. Na miss ko na si Maxine nang maalala ko siya.
Simula nang mangyare ang pagkawala ni Maxine, hindi na siya masyadong nababanggit sa aming mga usapan. Kahit si Sean na ex nito ay parang ayos lang. At ngayon, kay bilis niya ring nakuha ang damdamin ni Sophia. Kaya minsan mapapaisip ang tao na mukang may kinalaman ito sa pagkawala ni Maxine.
Ngunit minsan, mapaglaro rin ang sitwasyon.
Gabi iyon nang mangyare. Kaarawan ni Sophia nang hindi namin namalayang nalasing ito. Tumatawa at nagsasalitang mag-isa.
"Jillian, kasalanan mo kung bakit namatay si Maxine! bungad nito kaya ang lahat ay napatigilan.
"Kahit ako, gusto mo ring saktan!"
"W-wala akong ginawang masama sainyo!" paglilinaw ko.
"Sean, alam mo ang totoo!" Hinarap ko si Sean.
"Noong nakaraang taon, ikaw ang nag-utos doon sa mga gangsters na manggugulo malapit sa bahay niyo," ani pa ni Sophia.
"Nandon ako sa bahay nyo para ipagdiriwang natin ang achievement na natanggap ko, pero naiingit ka sakin kaya mo inimbitahan ang mga adik na 'yon," pagpapatuloy nito.
"Gumagawa ka ng kwento, Sophia! Kaibigan kita. Bakit ko gagawin sa ’yo ’yan?" Halos maiyak na ako sa pagtatanggi, pero tinatawanan lang ako ni Sophia.
"I know na mangyayare iyon, kaya nagpapabantay ako ni kuya Sean,"
"K-kuya?"
"Kuya ko lang si Sean. Pinasali mo si Maxine sa grupo natin dahil maganda siya. Ayaw mong magkagusto si Sean sa akin kaya binayaran mo si Maxine. Pero ang totoo, may gusto ka kay kuya," mahabang tugon ni Sophia.
"That afternoon, Maxine was assigned for cleaning the rooftop. You commanded the gangsters to fright her until she fell off to the ground. She didn't committed suicide," pagdudugtong ni Sean.
"No! Iniwan mo si Maxine kaya sya nagpakama-"
"Yes, we broke up because we're cousins,"
Hindi na ako makatiis, kaya napilitan akong maglabas ng baril na nasa sling bag ko at tinutok ito sa ulo ni Sean.
"I know you'll be reacting like this, that's why we prepared something for you," sabi niya at ani mo'y sumenyas sa likoran ko.
Napaharap ako rito at bumungad sakin ang mga ilaw na pula at asul.
"Damn,"
"Hands in the air! Drop your gun! Come with us. . ."

BINABASA MO ANG
When Everything Glooms [One-Shot Stories Compilation]
Short StoryThis is a compilation of tragic one-shot stories. Enjoy reading!