"Jennie, kumain kana riya. Mamaya na 'yang modules mo, sige na," bilin ng aking ina bago ito lumabas ng bahay."’Nay, sa'n po kayo pupunta? Medyo maulan na po,"
"Saglit lang, baka kase ano nang nangyayari sa mga baboy." Pagtutukoy nya sa mga alagang baboy namin.
"Sigi po,"
Akmang magsusulat na ako nang biglang mawalan ng koryente, biglang kumalabog ang bintana namin sa lakas ng hangin.
"A-ate Jennie, mama, asan?" tanong ng kapatid kong mag t-three years old pa lamang—Si Jr.
Agad akong sumilip sa labas para tingnan ang kalagayan ni mama. Nang ma hagip s'ya ng aking paningin, agad ko s'yang sinalubong.
"Kumusta po?"
"Naabutan ako ng unos, 'di na ako naka tuloy... Nasaan ang kapatid mo?"
Pumasok na kami ng bahay. Pasira palang ako ng pinto, agad na itong kumalabog. Nakarinig kami ng mga nagtitilian sa labas.
"Mareh! Bumaha na roon sa lungsod!" Sigaw ng kapit-bahay namin.
Magkadikit-dikit lang ang mga bahay dito, kadalasan ay mga kubo lang at walang masyadong matatag na pundasyon. Gawa lang sa kahoy ang bahay namin. Mayamaya pa ay parami na nang parami ang tubig na umaagos mula sa bubong at kisame. Pati kwarto namin ay nabasa na rin.
Ang baryo namin ay binubuo ng maraming mamayanan, walang malilikasan ang karamihan.
Napalingon ako sa pwesto ng aking ina na kinakarga ang kapatid kong si Jr.
Nanginginig sila, at kanya-kanya naman ang pagdadasal ng mga kapit-bahay. Kanya-kanya ang pagsigaw namin ng tulong, pero wala pang dumating.
Palakas na ng palakas ang ulan, ani mo'y napakabilis lang ng pangyayari, pero ang hirap na napagdaanan namin ay mabibilang ang bawat segundong pag-iyak, mga minutong paghingi ng tulong, oras ng bawat paglikas sa medyo maangat na lugar na wala namang kasiguradunan kung hanggang kailan kami mananatili.
Hanggang bewang na ang tubig, at nakapatong kami ng pamilya ko sa lamesang gawa sa kawayan, iyong iba naman ay nakapatong sa may bintana. Kanya-kanyang akyat, patungong pinakamataas na parte ng bahay. Lunod na ang ibang gamit, natanaw ko na ang labas ng bahay. Kanya-kanyang kaway, sigaw, hingi ng tulong, at iyakan. Wala akong magawa, at kagaya ng iba, naghihintay din sa kung sino mang sasagip sa'min.
"Ayus lang p—Inay?!" Huli na ng mapagtanto kong nakalutang na lang si ina sa may upuan na pinapatungan n'ya kanina, bitbit nito si Jr, pero hindi ko na rin ito masilayan. Kayakap ko ang isa ko pang kapatid na si Hanna, at mas lalong nag pakatatag para hindi ko sya mabitawan.
Sinubukan kong kumalma. Ang importante ay ang kapatid ko, at maaabutan namin ang hinihintay naming saklolo.
Mas lalo pa akong na durog nang makita ang bangkay ni ina na nadala ng alon, gusto ko siyang abutin at yakapin. Pero wala akong magawa kundi ang pagmasdan siya habang palayo nang palayo na dinadala ng baha.
Basa ang cellphone ko, ngunit laking pasasalamat ko dahil nakakagawa pa ito ng ilaw. Medyo madilim ang aming kinaroroonan dahil sa puno na nakatapat sa may bintana.
Sabay-sabay kami ni Hanna sa pagsigaw ng tulong, walang paki kung kanina pa kami na papaos. Iniilaw-ilaw ko ang torch ng cellphone ko, tapos sisigaw naman sa abot ng makakaya.
Halos patayin na ako sa ginaw, pero pilit ko pang tinatagan ang sarili para sa kapatid kong mahigpit na nakakapit sa akin.
"K-konting tiis nalang Hanna. Tara, sigaw ulit tayo," ani ko, at tumango naman ito.
"Saklolo! Tulong! Tulungan n'yo po kami!"
"H-hanna, ano mang m-mangyare, huwag na 'wag kang bibitaw sa akin," madiin kong utos at bahagyang nanlambot na sa hirap. Marami narin kaming sugat at galos.
"Rescue po! May tao po ba!?" Sigaw ng kung sino.
"Tu-" paos kong sigaw.
"Saklolo! Tulungan n'yo po kami!" Pagpatuloy ni Hannah.
"T-tulong," huling sambit ko, bago dumilim ang aking paningin.
Ramdam ko nalang ang mga brasong umakay sa amin. Dahil sa paninigas ng katawan ko sa sobrang lamig, tanging init ng mga luha ko nalamang na dumadaloy sa aking pisngi ang aking na raramdaman.
*TRIBUTE FOR CAGAYAN VALLEY*

BINABASA MO ANG
When Everything Glooms [One-Shot Stories Compilation]
Short StoryThis is a compilation of tragic one-shot stories. Enjoy reading!