Me and Zac are here at the mall, we watched, played and eat a lot of food na makikita namin sa tabi tabi. Bata palang mag ka kilala na kami actually he is my childhood friend. Minsan na rin kaming napag kamalan na mag jowa kasi lagi daw kami mag kasama and we look good at each other daw. Pero hindi namin pinapansin 'yon. And sa 12 yrs na'yon hindi nya alam na may pag tingin ako sakanya.
"Hoy bakit ka nakatulala manang!" Sigaw ni Zac sa mukha ko na ikinagulat ko.
"A-ah eh... wala iniisip lang kita..." pinamulahan ako ng pisnge dahil sa sinabi ko. Antanga mo talaga self."Ayan ah iniisip ko pala ako ah, akala koba bbf mo ako." Nanunuksong sabi ni kumag sa'akin lalaki nanaman ulo neto. Tuwing may mag kakagusto kasi sakanya feeling nya artista na siya.
"Tanga i mean iniisip ko yung ano yung, yung..." bwisit hindi ako makaisip ng idadahilan! Grr ka selp!(sabi ko sa sarili ko)
"Oh ano ha? Lulusot kapa, alam ko naman na pogi ako eh. Pero gbf kita kaya kutos ka sakin."Taas noong sagog nito saakin.Minsan nasasaktan ako kapag nag kikwento s'ya sakin about sa crush nya na si Ashley which is my ex friend. Nag away kami ni Ashley dahil sinisiraan nya ako. Pero now wala na akong pake sakanya .Hindi ko sinabi sakanya 'yon kasi yung time na mag kikwento na sana ako sakanya bigla siyang nag kwento about kay Ash. Ayokong masira si Ash dahil sa'kin kahit na ganon 'yung ginawa nya.
"Ang kapal ng apdo mo don' ka kay Ash wala akong balak mag kagusto sayong bakulaw ka." Sabay paikot ng mata para hindi halatang guilty ako haha.
"Asus oo na manang, tara na mag gagabi na." Sabay akbay nya sa'kin. Yung mga mata na nakatitig samin na akala mo kakainin kami ang sarap tusukin.
Nasa kanto na kami malapit na sa bahay bigla akong inakbayan ulit ni Zac. Eto ang nakakainis sa'kanya e' yung aakbayan nyako kung sa tutuusin para nga talaga kaming mag jowa. Pero malabo iba kasi yung saya nya kapag kinikwento nya si Ash sa'kin. Always akong nag o-overthink pag gabi because of him. I like him no no i think i'm inlove with him but...
Sa kalagitnaan ng pag iisip ko bigla akong nauntog sa pader which is yung pinto namin -,-
"Hahahhahahaahhahaah..." Tawa ng tawa ang bakulaw na 'yon alam nya namang mauuntog ako bakit hindi nya manlang sinabi arghh!!
"Ikaw naman kasi self isip ka ng isip dikanga i crushback nyan argh grr!!" Pagalit ko sa sarili ko habang hinihimas ang noo ko.
"Umuwi kana Zac nag didilim paningin ko sayo." Inis na sabi ko sakanya pero hindi ko sya tinititigan.
"Hahaha antanga mo kasi, ano ba kasing iniisip mo at dimo namamalayan ginagawa mo"
Hindi kona s'ya pinansin at pumasok na agad ako sa loob. Pag pasok ko sa kwarto ko naligo na agad ako para makapag pahinga. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko at kinuha ko ang cp ko dahil hindi pa ako tinitext ni Zac na nakarating na s'ya medjo nag aalala na ako.
Zac's Pov.
Nasa kanto na ako malapit sa bahay namin ang dilim dito kaya hindi mo makikita kung may tao kapag nasa malayo ka. Nung nakaraan kasi nasira ang ilaw ng poste.
Habang nag lalakad ako may biglang humarang sa'kin. Pag tingin ko mga tropa ko pero nakangiti sila sa'kin parang may masamang balak nanaman, hindi ako pala away na tao minsan napapasunod nila ako kahit hindi ko gusto nagagawa ko dahil tinatakot nila ako. Binabantaan nila ako lagi nilang sinasabi na sisiraan daw nila ako sa pamilya ko at hindi daw nila ako titigilan hanggat 'di ako pumapayag.
//Flash back//
"Oy tol" May biglang humarang saakin si Kaleb.
"Oh pre, may kailangan kayo?" Nasa likod nya kasi sila luke at Nico. Kaibigan kona sila mga 3 months narin siguro mabait naman sila nung una pero ngayon hindi ko masabi, pero magaling sila makisama.
"Ah tara sa tambayan doon tayo mag usap" Ngumiti s'ya saakin sabay tingin sa iba naming kaibigan.
Habang nag lalakad sila nag aabutan sila sa likod plastik na maliit at may babasagin na parang bote hindi ko maipaliwanag at hindi korin alam ang tawag. Siguro dahil hindi kolang makita dahil ang bilis ng kamay nila.
Nang makarating kami sa tambayan tama nga ang hinala ko isang maliit na bote nga ito.
"Oh pre...ikaw na mauna tirhan mo'ko ah." Sabay abot nito ng plastik na may laman,
Habang sinisindihan nya ito may kakaibang amoy, muntik na akong masuka pero nag takip nalang ako ng aking ilong. Nang matapos si Niko inabot nya ito kay kaleb hanggang sa matapos silang tatlo. Tinitigan nila ako sabay sabay, malakas kutob ko na papagamitin nila ako nito.
"Oh, ikaw naman Zac tapos na kami." Sabi ni Luke, tama nga ang hinala ko damn. I don't like the smell, what if I use it? edi nasuka na'ko ng tuluyan.
"Ayoko tol, baka mahuli ako ni mama. Mapagalitan pa ako, kayo nalang salamat." Mahinahon kong wika sakanya. Ngunit sinamaan nya ako ng tingin. Hindi ako takot sakanya pero isa lang ako tatlo sila. Hindi ako pwedeng ma bugbog dahil may contest pa akong sasalihan.
"Gagamit ka o sasabihin ko sa magulang mo na ikaw nag turo sa'min gumamint neto?" Sabay pakita n'ya sa supot.
"Ano bang ginawa ko sainyo? Para siraan ako. Wag nyo na idamay magulang ko." Medjo mataas na ang boses ko dahil sa inis at galit na naramdaman ko.
"Edi mamili ka gagamit ka o sisiraan kita. Hindi kanaman mamamatay pag gumamit ka nito." Nakangiting sabi nya na tila bang isang demonyo.
"Sige eto na pero isang beses lang. Wag nyo lang idadamay magulang ko." Ramdam kona ang galit sa aking boses kaya pinakalma ko ang aking sarili.
Tinuruan nila ako kung paano ito gamitin, nang sinubukan kona kung paano ito gamitin bigla akong nakaramdam nang hilo. Ubo ako nang ubo. At maya maya ay nagutom ako kumain kami libre ko. Hindi na ako nakatanggi sa sobrang panghihina at gutom na naramdaman ko.
//End of Flashback.//
YOU ARE READING
I Dare You
RomanceRia and zac have been friends since they were kids. Until the day came when his friends and him had fun. Nag kaayaan mag inuman. As time goes on they get drunk and one invite them to play. Yung larong hindi inaasahan ni Zac na sisira sa buhay nya, h...