Chapter 02

9 1 0
                                    

"Ano nanamang kailangan nyo tol? " Mahinahon kong tanong.

"Aba gumaganyan kana, Aayain kalang naman namin ng inuman. Masama ba iyon?." Kalmado ngunit mararamdaman mo ang angas sa tinig neto.

"Pagod ako bawal bang ipag pabukas 'yan?" Tanong ko dahil ramdam kona ang pagod sa katawan ko sa sobrang dami naming ginawa.

"Pwede naman, siguro umalis nanaman kayo ng gf mo na si Ria? Hahaha" hindi ko alam bakit sya tumawa, medjo nakaramdam ako ng kaba para sa gbf ko.

"Hindi ko sya gf, sige na una na ako bukas nalang ng gabi." Sabi ko at agad na tumalikod.

when I got home, I picked up my phone and texted Ria to let her know I was here.

I was about to get my towel but my phone suddenly rang, and I saw Ria's name. Agad ko itong sinagot. Kinamusta nya ako at nag sorry siya sa inakto nya kanina. Sabi ko ayos lang sanay na ako. Madalas ko kasi siyang bwisitin at ganon palagi ang nangyayari.

Ginawa ko na ang dapat gawin. Naligo, kumain then toothbrush at tinext ulit si Ria para sabihan na matulog na. Nag alarm ako para makabawi kay mama, ako ang mag luluto ng breakfast namin kahit doon manlang makabawi ako.

Kinabukasan pag gising ko yung aso ko agad ang sumalubong sa'kin.

"Good morning, baby boy." Uminat muna ako bago ko hawakan yung aso ko na si Yael.

Pag tapos ko mag papawis nag hilamos ako and toothbrush.

Pumunta ako sa kusina at kinuha na ang mga lulutuin. Habang nag luluto ako tumunog ang cp ko. Nakita ko ang pangalan ni luke, nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ito ngunit sinagot ko rin dahil baka importante.

"Hello tol" boses ni luke sa kabilang linya, ang ingay. Siguro nandon mga kaibigan namin.

"Oh pre napatawag ka aga pa ah." Sagot ko.

"Ah, paalala kolang baka dika pumunta eh, mamaya ah dala ka pulutan tol." Sabi ko nalang sige para hindi na tumagal ang usapan, baka masunog rin ang niluluto kong  bacon at madami pa akong lulutuin.

Nang matapos na ako sa niluluto ko agad kong inayos ang mga plato at mga pag kain para pag gising ko kay mama kakain nalang. Ngunit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko nakita kona si mama. Sinalubong ko sya ng may ngiti sa labi at gano'n din sya.

"Goodmorning ma, gigisingin na sana kita kaso naunahan mo'ko" Natatawa kong sabi rito.

"Naamoy ko kasi anak, akala ko kung sino ikaw pala. Himala ah." Sagot nito na ngiting ngiti. Lagi kasi sila ang nag luluto.

"Ah bawi lang po ma, teka po tawagin kolang sila bunso at papa para sabay sabay na tayo." Hindi kona ito inantay na makasagot agad akong pumanik sa taas.

Hindi na ako kumatok sa kwarto ni Isla agad na akong pumasok kasi alam ko namang tulog pa ito. Ngunit naisipan ko pumasok sa C.R dahil naiihi ako. Nang makapasok ako amoy sigrailyo ngunit hindi konalang ito pinansin, siguro guniguni ko lang 'yon.

"Rea, gising na kakain na tayo ng almusal." Pag gising ko dito. Maya-maya lang ay dumilat na at agad na akong lumabas para tawagin ang bunso namin na si Zach.

Nauna na akong bumaba  sakanila para maipag sandok ko narin sila mama. Habang nag sasandok ako bigla akong tinanong ni mama na kinagulat ko.

"Anak, kayo naba ni Ria" ngiting ngiti na tanong nito, na tila bang nag aabang talaga sya sa pangyayaring 'yon.

"M-ma? Eh kaibigan kolang po si Ria." Hindi ko alam bakit bigla akong nautal at pinamulahan ng pisnge dahil sa sagot ko.

"Bagay kayo anak. Wag kang mag papakilala sakin ng ibang babae kung hindi si Ria yan" Hindi ko alam kung biro ba ito o seryoso si mama. Hindi ko nalang pinansin dahil ayaw naman nila 'kong paniwalaan.

"Oonga kuya syaka mabait si Ate Ria, maganda pa." Singit ni Isla. Feeling ko nasa hotseat ako 'diko alam bakit hindi ako makasagot e totoo namang gbf kolang sya at hanggang don nalang 'yon.

Natapos ang umagahan ng lahat kami ay nabusog at masaya. How I wish na always kaming gantong pamilya. Nag loko na kasi si papa dati, kaya nagulo ang pamilya namin. Hindi parin namin kilala ang babae dahil sa text lang namin ito nahuli pero sapat na 'yon na dahilan upang pag awayan nila at masabing may babae ito. Pero napag usapan nila 'yon. Kaya ang swerte ko, kasi pareho silang marunong mag pakumbaba at mahal nila ang isa't isa. Sana hindi na maulit pa dahil ako na mismo ang mag tatakwil kay papa.

Nang dumating ang hapon, nag bihis na ako dahil tinext na ako ni Luke na sa tambayan daw mag iinuman. Hindi naman malayo pero medjo kinakabahan ako baka malasing ako at anong gawin nila sa 'kin. Hindi sa wala akong tiwala, siguro dahil sa ginawa nila saakin dati kaya ganon  nalang ako kung mag isip.

Kinuha ko ang cp ko, agad kong tinext si luke na malapit na ako. Habang nag lakakad ako may nakita akong mga street foods kaya naisipan ko bumili para sa pulutan.

"Oy anjan kana pala, Zac" Sinalubong ako ni kaleb at kinuha ang mga dala ko.

"Pasensya medjo natagalan, bumili pa kasi ako ng pulutan." Sabay titig ko kay luke, wala naman normal naman lahat at mukha namang wala silang masamang balak.

" oh ano tol...umpisahan naba naten?" Singit ni Nico. Pumayag naman kaming lahat.

Nag umpisa nakami. Habang tumatagal medjo nararamdaman ko na ang tama sakin ganon narin sila nico at kaleb. Ang tibay ni luke dahil hindi ko nakikita sakanyan na lasing sya. Madilim na at nakarami narin kami.

"Uwi nako tol, anong oras narin syaka medjo nahihilo na ako." Sabi ko sakanila sabay tayo. Ngunit pinigilan ako ni luke.

"Mamaya na, banlaw muna tayo kahit isang Rh lang pare." Pumayag nalang ako kesa makipag talo sakanya

Sa kalagitnaan ng inuman biglang nag aya ng laro si kaleb  truth or dare daw.

Minsan kasi isip bata si Kaleb kaya dina ako mag tataka kung ayan ang ipapalaro nya.

"Oh sige, tara." Nagulat ako sa pag payag ni Luke dahil hindi ko akalaing mag lalaro sya nito. Pero hinayaan konalang ulit.

"Ikaw mag paikot ng bote Nico." Utos ni Kaleb kay Nico.

"Ayoko, baka ikaw paikutin ko." Pabalang na sagot nito kay Nico.

"Sige na Nico ikaw na." Singit ni Luke,

"Sige nanga ako na, amin na ang bote" Natawa ako sa sagot nito kaya napatingin silang tatlo saakin.

"Why?" Sagot ko sakanila ng nakangiti.

"Wala, tara na umpisahan nyona." Malamig ang boses na sagot ni Luke.

I Dare YouWhere stories live. Discover now