This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors ('nanaman', 'sa'yo', 'sa'kin', 'din', 'daw' 'sa'min'). Please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole story.
Author's note!!
Pasensya na mga jaie kung masyadong mabilis bawat pangyayari, pero kalma umpisa palang yang mga mababasa nyo. And also this is my first wattpad story na sinulat ko, kaya pasensya na po sa mga error and typo, pagbubutihan ko pa! thankyou enjoy reading!
***
"oh ano tol...umpisahan naba naten?" Singit ni Nico. Pumayag naman kaming lahat.
Uminom lang kami nang uminom, hindi na namin namamalayan na lumalalim na ang gabi at lasing na ako. May pinagawa sila saakin at sumangayon naman agad ako dahil wala na ako sa 'king sarili.
Kinabukasan napakasakit ng aking ulo, ginawa ko lahat ng dapat gawin dahil may trabaho ako.
Habang nag lalakad ako papunta sa 'king trabaho nakita ko si luke sa 'di kalayuan, at maya maya lang ay lumapit na ito.
"Oy pre, nasimulan mo naba?" Salubong sakin ni luke. "Naumpisahan kona ang alin? " tanong ko saaking sarili.
"Ang alin pre? " Nag tataka kong tanong.
"Yung dare," Simpleng sagot nito. Napaisip naman ako at wala akong maalala na may dare sya saakin.
"Dare? Eh wala kanamang inutos sakin?" Puno parin ako ng pag tataka sa mga sinasabi nya.
"Gusto mo ng ebidensya para maniwala kang may pinagusapan tayo? " tanong nito na titig na titig sakin.
Naging kami ni Ria ng dahil sa dare na sumira ng buhay ko, ganon nalang ba ang galit ni Luke sa aking tatay at ako ang nahihirapan.
Hindi ko naman kasalanan ang pagkakamali ng tatay ko ngunit ako ang naghihirap at naiipit dito.
Lumipas ang mahabang taon at hindi na kinaya ng konsensya ko ang hindi pagsabi kay ria kung ano ba talaga kami, kung paano naging kami. Sa lumipas na taon puro pag tatalo at paghihirap ang pasan pasan ko. Ang gulo narin ng pamilya ko, dumagdag pa sa isipin ko ang relasyon naming dalawa. Litong lito na'ko, naguguluhan para akong baliw na biglang tutulo ang luha na akala mo hindi lalaki.
"Ria, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko, alam kong nagulat sya sa tawag ko sakanya, dahil simula nung naging kami "mahal" na ang tawag ko sakanya.
Agad naman itong pumayag, kahit na kinakabahan ako sa posibleng maging reaksyon at mangyari sa aming dalawa, sigurado na akong itutuloy ko ang pag-amin sakanya ng totoo.
"Bakit? Ang sakit sakit, ang bigat sa pakiramdam...lumayo ka sa 'kin 'wag mo 'kong lalapitan, baka kung anong magawa ko..." Nanghihinang sabi ni Ria habang umiiyak ito'y gustong gusto ko s'yang yakapin, ang sakit sakit.
"Minahal kita ng totoo, maniwala ka naman oh," pag mamakaawa ko, dahil totoo nanaman ang sinasabi ko, totoo ang mga pinaramdam ko sakan'ya.
"Akala ko mahal mo 'kong talaga, all this time?!?! Dare lang pala lahat, tangna naman Zac habang totoo ako sayo, pinag-lalaruan mo lang pala ako..." Hagulgol nito at tinalikuran na n'ya ako, gusto ko man habulin ngunit wala na akong nagawa dahil wala na akong lakas.
Lalayuan n'ya kaya ako? Magiging okay paba kami tulad ng dati? Mga tanong sa isip ko habang naglalakad ako 'di alam saan pupunta.
YOU ARE READING
I Dare You
RomansaRia and zac have been friends since they were kids. Until the day came when his friends and him had fun. Nag kaayaan mag inuman. As time goes on they get drunk and one invite them to play. Yung larong hindi inaasahan ni Zac na sisira sa buhay nya, h...