Chapter 1: Congenital Clubfoot

21 3 3
                                    


Habang nag-aabang si Icen na hawak na sanggol sa eskinitang malapit sa mga tao.

Bigla na lang may kung anong inihagis sa kanya si Tantaro habang nililinlang ni Tantaro ang mga tao sa pagtakbo.

Dali-daling tumakbo si Icen kasama ang sanggol sa kabilang labasan.

"Sana makatakas siya." Bulong ni Icen sa sarili.

Bigla na lang umiyak ang bata habang siya'y tumatakbo pauwi sa daan kung saan sila naninirahan.

"Pasensya na, sorry, sorry, malapit na tayo makauwi." Natatarantang bulong ni Icen sa sanggol na si Gingging.

Nakauwi sila kung saan sila'y naninirahan, patuloy pa rin sa pag-iyak ang sanggol.

"Sorry, sorry, sorry na nga eh, kalma Icen, kalma Gingging, hay nako sino ba talaga dapat kumalma?!" Natatarantang sabi ni Icen.

Binuksan ni Icen ang plastic na kung saan naglalaman ng baby tumbler at gatas.

Ipinagtimpla nito ni Icen at tumahan naman si Gingging dahil sa gatas na ibinigay niya.

Binuhat niya ang sanggol at sinabayan niya ito ng paghele.

Makalipas ng ilang oras dumating si Tantaro, hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Ayos ba? Bilis kong tumakbo no?" Tanong ni Tantaro habang nakangiti sa harapan ni Icen.

"Ang lupit mo rin eh no? Kumuha ka ng gatas may kapartner pang dede." Sagot ni Icen.

"Alangan namang papakin ng baby yung gatas mag-isa? Obvious namang lahat ng baby dumedede eh." Sagot ni Tantaro.

"Bat ba ang tagal mo?" Tanong ni Icen.

"Niligaw ko sila, nabaliw sila sa bilis ko e." Sagot ni Tantaro.

Umupo si Icen sa gilid, dala ang sanggol na umiinom ng gatas na tila ba'y gutom ito.

"Oy pre." Tawag ni Icen habang nakatingin sa kalangitan.

"Ano yun?" Tanong ni Tantaro kay Icen.

"Di ko gusto tong buhay natin, mayaman lang ang namumuhay nang payapa, tapos tayo nagnanakawan pa sa isa't isa." Sagot niya kay Tantaro na may mahinahong boses.

"Sana may magpabago sa Jupiter, sabi daw nila marami daw nagtangka angkinin yung lugar na to." Sagot niya kasunod ng mga sinabi ni Icen.

"Buti nga hindi buong Jupiter e, pero feeling ko kahit anong oras pwede tayo mapasakamay kung sino man." Sagot ulit ni Icen.

Tinanggal ni Icen ang telang nakabalumbon sa sanggol at nagtaka siya sa kanyang nakita.

"Pre! Pre! Patingin nga ng paa mo." Salita ni Icen na may natatarantang boses.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Basta patingin ako" Sagot ni Icen na may halong gigil.

"Pareho lang naman tayo ng paa ano ka ba?"

Pinakita ni Tantaro ang binti niya, ganun din kay Icen.

"Tingnan mo yung paa niya, parang nakabaluktot yung isa, nasaktan ba natin siya?" Tanong ni Icen na may halong kaba.

"Aba'y malay ko ikaw lang may hawak ng baby sa pagtakbo ah, labas ako diyan." Biglang sagot ni Tantaro.

"Hindi..." Bulong ni Icen habang nakahiga ang bata sa mga hita niya.

"Maitutuwid pa ba natin to? Sa tingin ko hindi na, feeling ko masakit, hindi ko ito napansin simula nung una pa lang." Tanong ni Icen.

"Wag! Syempre naman, baka mapatay mo yung baby." Sagot bigla ni Tantaro sa kanya.

8 Planet Queens ( Hayana's Orb ) | Series 2Where stories live. Discover now