*Flashback*
Sa lugar ng Jupiter...
"Pa...Pa..." Unang bulong na salitang narinig ng batang si Icen sa babaeng sanggol na nagngangalang Gingging.
"Huh? Tinawag niya akong papa?" Tanong ni Icen sa kanyang sarili.
"Pa..."
"Pa..." Sagot ulit ni Gingging kay Icen na may halong ngiti.
Natuwa naman si Icen sa ganda ng ngiti ng sanggol.
"Bibigyan kita ng magandang buhay, pangako ko sayo yan." Bulong ni Icen.
"Pipilitin kong alagaan ka, gagawin ko ang lahat para mabuhay ka." Bulong ulit ni Icen habang lumuluha.
"Napakaganda ng ngiti mo." Sunod na sinabi ni Icen habang tumatawa ang bata sabay punas sa kanyang mga luha.
Saan nga ba nanggaling si Gingging? Ang sanggol.
Nakita ito ni Icen sa kahon kung saan maraming nakatambak na mga sirang mga gamit.
Inabandona si Gingging ng kanyang sariling magulang.
Sinubukan ito hanapin ni Icen, ngunit wala talaga siyang nakita kahit bakas o presensya ng kanyang mga magulang.
Sino rin ba si Icen? Wala na rin siyang magulang at nakatira lang din siya sa lugar kung saan may gabundok na sirang mga gamit.
Iba ang mundo ni Icen bukod sa ibang bata.
Hindi na nga maganda ang mundong kinatatayuan niya, iba pa ang mundo niya bukod sa ibang batang katulad niya.
Yung ibang bata, naglalaro at nagsasaya.
Habang si Icen, nakatuon ang isip niya sa paghahanap ng gatas ng bata.
Si Icen ay mayroong kaibigan na nagngangalang Tantaro Hiroyoshi.
"Uy." Tawag ni Tantaro sabay upo sa ibabaw ng sirang washing machine na nasa likod ni Icen.
"Himala ah, aga mo nagising ah." Sagot ni Icen.
"Yang batang yan, mabigat ba siya?"
Tanong ni Tantaro."Gusto mo hawakan?" Tanong ni Icen.
"Sige ba." Sagot ni Tantaro.
"Ingatan mo baka mabagsak ah, pag nahulog yan, sasaksakin kita." Sabi ni Icen pagkatapos niya ibigay si Gingging.
"Oo naman syempre Solitaire ako pa ba? Ganda ganda ng baby eh." Sagot ni Tantaro.
"Uy, ang bigat pala neto, ano pinapakain mo dito dinosaur? Kahit maliit siya ang bigat niya, akala ko magaan lang." Sabi ni Tantaro habang buhat ang sanggol.
"Sapakin kaya kita? Yun nga ang problema eh wala tayong ipapakain sa kanya." Sagot ni Icen sabay upo.
"Naiisip mo ba naiisip ko?" Tanong ni Tantaro
"Manahimik ka nga diyan, sino magbabantay sa baby?" Masungit na tanong ni Icen.
"Chill ka lang diyan Solitaire, ako bahala, basta susunod ka sa plano ko, okay?" Sagot ni Tantaro habang hinihele ang sanggol.
"Sige sige, sabi mo eh." Biglang tayo ni Icen sa kinauupuan.
Nagpunta si Icen at Tantaro kasama ang sanggol na si Gingging sa eskinita kung saan walang nakakakita at walang tao.
"Alam mo na gagawin mo ah?" Tanong ni Tantaro.
Makalipas ng ilang minutong pag-aabang ni Icen, narinig niya ang sigaw ng mga tao.
"Magnanakaw! Hulihin niyo yan bilisan niyo!" Sigaw ng isang ale.
Habang nag aabang si Icen sa gilid ay biglang may bumulong sa kanyang isipan.
"Gagawin ko ba ito ng paulit-ulit para mabuhay ang sanggol na hawak ko?" Tanong ni Icen sa kanyang sarili.
Ngumiti si Icen at sinabing...
"Kung ganun bubuhayin ko siya dahil siya ang buhay ko."
YOU ARE READING
8 Planet Queens ( Hayana's Orb ) | Series 2
ActionBecause of Hayana's Orb, the 8 Planet Queens decided to train hard to save all planets from the villain named Medea. Medea wants all planets to make himself powerful and control the entire 8 Planets. Can Icen makes his adopted daughter lives peacefu...