"Uwi na tayo, baka abutin pa tayo ng gabi." Salita ni Icen kasabay ng pagtayo niya habang akay si Gingging."Tara na, malayo pa lalakarin." Kasabay ng pagtayo ni Tantaro kasunod ni Icen.
Sa gitna ng paglalakad pauwi nilang tatlo ay bigla na lang may pumasok na katanungan sa isip ni Tantaro.
"Solitaire." Bulong ni Tantaro.
"Bakit?" Tanong naman ni Icen.
"Kung magiging mayaman ka ba or makakatira ka sa malaking bahay, kakalimutan mo na ba ako?" Tanong naman ni Tantaro kay Icen.
"Hindi syempre, kahit ano pang mangyari di kita makakalimutan at iiwanan noh tsaka isa pa, kung magiging mayaman ako dapat kasama ka." Sagot ni Icen kay Tantaro.
Tumigil si Tantaro at bigla na lamang din tumigil si Icen.
"Mangako ka ngang magkasama pa rin tayo hanggang mamatay." Seryosong bulong ni Tantaro.
"Syempre naman, gusto mo ba mauna kana?" Sabay tawa at diretsong takbo ni Icen habang naiwan si Tantaro sa kanyang likuran.
"Bili tayo ng gatas pag-uwi ah?" Sigaw ni Icen kay Tantaro habang buhat si Gingging.
Dali-dali namang sumunod si Tantaro kay Icen at patuloy na naglakad pauwi.
"Parang tanga nagtatanong ako tinakbuhan ako, kakainin ko ulam mo mamaya kala mo ha." Bulong ni Tantaro sa kanyang isip.
Tiningnan ni Icen si Gingging at bigla na lang ngumiti ang bata sa kanya habang buhat buhat niya ito sa paglalakad.
"Ang cute mong bata ka, di magtatagal isasako kita sa sobrang liit mo." Pabirong salita ni Icen.
"Bilisan na natin, sigurado akong gagabihin tayo!" Sigaw ni Tantaro sa kanyang likuran.
"Aaya-aya tapos nagmamadali umuwi, baliw din tong ungas na to eh." Sabi ni Icen sa kanya.
"Utak mo munggo!" Sigaw ni Tantaro.
"Yung utak mo may chlorine!" Bawi na sigaw ni Icen.
Habang nasa daan, pagsapit ng gabi, malapit sa kanilang bahay, tumigil bigla si Icen kasabay ng seryoso niyang tingin sa malayong direksyon kung saan papunta sa kanilang bahay.
"Bakit?" Seryosong tanong ni Tantaro.
"Parang may mali." Sagot ni Icen.
"Anong mali? Hindi kita maintindihan." Kumunot ang noo ni Tantaro kasabay ng sinabi niya kay Icen.
"Ganitong oras, wala ng naglalaro, wala na ring tao, bakit may naririnig akong ingay." Bulong ni Icen.
"Ingay? Saan?" Tanong ni Tantaro.
"Pakinggan mo mabuti..." Sagot naman ni Icen habang buhat ang natutulog na Gingging.
Sunod sunod ang tunog na narinig nila, tila ba may bumabagsak at lumalagapak na mga sirang bagay.
"Puntahan na natin." Seryosong lakad ni Icen papunta sa direksyon kung saan ang kanilang bahay.
"Maiwan ka nga muna." Salita ni Icen kay Tantaro at ibinigay si Gingging.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Tantaro.
"Basta, dito ka lang." Sagot nito.
Unti-unting lumapit si Icen papunta sa kanyang bahay at patuloy na lumakas ang ingay ng mga bagay na bumabagsak.
Nakita ni Icen ang mga grupo ng kalalakihan.
Ito yung mga taong nambugbog kay Tantaro, kasama na rin rito yung pinunong binagsakan ni Icen ng microwave oven.
YOU ARE READING
8 Planet Queens ( Hayana's Orb ) | Series 2
AçãoBecause of Hayana's Orb, the 8 Planet Queens decided to train hard to save all planets from the villain named Medea. Medea wants all planets to make himself powerful and control the entire 8 Planets. Can Icen makes his adopted daughter lives peacefu...