Chapter 2: Indigo Boundary (I.B)

12 2 1
                                    


"Bilisan na natin, naiwan kong bukas yung pinto." Mabilis na lakad ni Icen at ni Tantaro papunta sa kanyang tirahan.

Binuksan ni Icen ang pinto ng kanyang tirahan at nakita niya si Gingging na mahimbing na natutulog at umiinom ng gatas.

"Buti na lang." Nakahinga ng maluwag si Icen.

"Sa tingin ko, di mo na dapat ipagdasal sa susunod na sana hindi gising si Gingging sa bahay kapag iniwan mo." Ani ni Tantaro.

"Oo nga eh." Sagot ni Icen.

"Anong oo nga? Pano kung magising siya ng di mo alam?" Tanong ni Tantaro na may mataas na boses.

"Wag ka nga maingay, importante naman tulog siya diba?" Natatarantang bulong ni Icen.

Tiningnan ni Tantaro si Icen nang maigi habang dahan-dahan niyang binubuhat si Gingging.

"Nawawala yung pagiging maangas at astig niyang imahe pagdating sa bata." Bulong ng isip ni Tantaro.

"Labas nga muna tayo, mag-uumaga na." Salita ni Icen habang hawak ang batang tulog.

"Ano meron?" Tanong niya kay Icen.

"Papaarawan natin yung bata, mag-uumaga na eh." Sagot ni Icen.

"Tanga ka ba? Edi nasunog yung bata." Sagot muli ni Tantaro.

"Di ko alam kung sino tanga satin eh, akala ko ba may alam ka?" Bawi niya kay Tantaro.

"Syempre, ikaw nga pag natutukan ng araw init na init ka." Sagot ni Tantaro.

"May araw bang malamig?" Tanong ni Icen.

"Wala, syempre." Sagot ni Tantaro.

"Yun naman pala eh, kaya ko lang naman siya ilalabas tuwing umaga kase yung mga baby daw importante sa kanila yung araw eh." Ani ni Icen habang palabas silang tatlo sa pinto.

"Saan mo naman narinig yan?" Tanong ni Tantaro.

"Sa mga nag-aalaga ng baby." Sagot ni Icen.

"Nga pala, ano pala pangalan ni Gingging?" Tanong ni Tantaro.

"Gingging?" Patanong na sagot ni Icen habang kunot ang kanyang noo.

"Hindi yun, yung ibig kong sabihin yung buong pangalan niya katulad ng sa atin?" Tanong muli ni Tantaro.

"Gingma Aikawa Cain." Sagot muli ni Icen.

"Saan mo naman nakuha yun? Ang wirdo naman." Ani ni Tantaro kay Icen.

"Ikaw nga Tantaro eh, nagreklamo ba ko?" Sagot ni Icen at umupo sa ibabaw ng sirang freezer sa tabi ng gabundok na sirang gamit.

"Malay ko ba yun yung pangalan na binigay sakin?" Sagot ni Tantaro na kasunod na umupo.

"Nakuha ko lang yung Gingma sa magazine, tapos yung Aikawa naman sa manga, tapos idugtong mo na yung apelyido ko." Salita muli ni Icen.

"Solitaire." Bulong na salita ni Tantaro.

"Bakit?" Tumaas ang kilay ni Icen kasabay ng pagsagot.

"Wala na kaya tayong pag-asang makaahon sa hirap? Yung maging katulad natin yung mga mayayaman sa kabilang lugar?" Mahinang tanong niya kay Icen.

"Sana nga maging mayaman din tayo, ang sarap siguro lumanghap ng sariwang hangin pag ganun." Sagot niya muli kay Tantaro.

"Saan ba 'yon? Gusto ko rin makita kung ano itsura nung lugar na 'yon." Ani ni Tantaro.

"Gusto mo ba makita? Siguro bawal tayong makalagpas sa harang na yon." Sagot ni Icen habang nakatitig sa sanggol.

"Bakit naman?" Tanong niya muli kay Icen.

8 Planet Queens ( Hayana's Orb ) | Series 2Where stories live. Discover now