Chapter 1

161 8 2
                                    

Checkpoint

Two Years Ago.

I was rushing down the stairs of my apartment when my phone rang. Nagmamadali na ako pero nakuha ko pang kulitin si Cotton, ang kulay puti kong pomeranian, nang abutan ko siyang natutulog sa carpet ko sa sala.

Nagising ito at kumahol, ikinawag-kawag ang buntot. Bahagya akong natawa nang sinubukan niyang akyatin ang binti ko. Pero napasimangot din dahil nakukusot na ang kulay puti kong uniporme.

"Cotton! Behave." Utos ko sa mahinang boses.

Napabuntong-hininga na lang nang hindi siya huminto. Minsan naman ay naiintindihan niya, pero madalas hindi, gaya ngayon.

Binuhat ko siya at inilapag sa binili naming bed para sa kanya. Cotton is a gift from my parents when I move in here, para daw may kasama ako rito sa apartment. Pagkatapos kong mag-college sa Sierra Vida, I decided to study here in Baguio and continue my dream to become a doctor.

Ang gusto pa nga nila noon ay ipasama sa akin ang isang maid or kaya ay mag-hire ng bago para may mag-trabaho para sa akin. Kaso tinanggihan ko. I understand their worry on me, and I understand if they don't trust me with the chores. Hindi nga ako marunong noon. Since a little kid, they showered me with everything. Ibinibigay nila ang lahat... ng sobra-sobra.

Hindi naman ako nagrereklamo. I am even grateful because I have a very loving family. Kaso iyon nga, hindi na naman ako bata, kahit papaano ay alam kong matututunan ko namang gawin ang mga simpleng trabaho dito sa apartment.

Iyon naman ang nangyari. I survived to live alone in my own apartment for the past three years.

Nawala ang atensyon ko sa telepono. Palabas na ako nang muling mag-ring iyon. Si Abigail. Kaibigan ko siya noon pa man sa Sierra Vida. Dalawa sila ng boyfriend niyang si Edward.

"Daanan mo ako, Graciela, please."

I have my own sedan car which I am using when going to school. Kumunot ang noo ko.

"Bakit si Edward?" I said in a soft voice.

Kabaliktaran sa boses ko, halos mabingi ako sa boses ni Abigail.

"Nasa school na. Hindi ako hinintay! Ang ingratong 'yon!"

Siguro nawala ang atensyon ko sa dinaraanan kaya nabigla nang mabunggo sa isang babae.

"Uh... I'm sorry." I said.

Parang gusto ko na lang tumakbo nang makita ang mga dala niyang nahulog sa lupa. Dalawang malalaking paper bag iyon, ang isa pa ay napunit kaya nagsigulungan ang mga canned goods.

"I'm sorry." Ulit ko.

Finally decided to do the right thing, yumuko ako at tinulungan siya sa pagpulot. Nailagay naman namin pabalik sa paper bag, kusot-kusot nga lang at kailangan niyang hawakan ang punit, dahil kung hindi ay magsisilaglagan na naman ang mga de lata. Napangiwi ako sa hiya.

"Sorry." Sabi ko uli at napayuko. Hindi ko alam na may ihihina pa ang boses ko.

"Ano ka ba. Ayos lang. Nagmamadali rin kasi ako kanina kaya hindi kita napansin."

Hindi ko na alam ang isasagot kaya tumango na lang ako. Hindi nga lang ako makapagdesisyon kung aalis na ako o hindi. Nakatayo pa rin kasi siya sa harap ko.

"Medical Student?" she asked, smiling.

Again, I nodded.

"I see. I have a brother studying medicine in Baguio Doctors University too. He have an apartment here."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Soft Hues of the MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon