Graciela Del Castello
Napangiti ako nang tumama sa balat ang hindi pa gaanong mainit na sikat ng araw ng umaga. Minsan dahil sa sobrang puti ng balat ko, maayos ring naarawan para magkakulay. Alas-otso pa lang at dahil linggo, wala akong duty sa ospital. Madalas sa isang buwan ay isa o dalawang beses lang ang duty ko kapag linggo.
Wala akong naabutang tao kaninang bumaba ako, siguro ay dahil pumuntang simbahan sina mama at papa. Madalas naman akong sumama, pero dahil sa pagod sa dami ng tao kahapon sa ospital ay pinili kong magpahinga ngayon. Nagkakahawaan ng trangkaso kaya maraming pasiyente.
Sumulyap ako sa garden kung nasaan ang outdoor patio namin. Nakita ko roon si Ate Shaina, ang asawa ng panganay kong kapatid na si Kuya Gibson.
Lumapit ako at nang medyo makalapit na ay tsaka ko lang napansin ang stroller sa tabi nito.
"Magandang umaga Ate Shaina."
Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Magandang umaga Graciela. Hindi ka sumama kanila mama at papa sa simbahan?"
Umupo ako sa kulay puting upuan ng patio bago tipid na umiling.
"We were bombarded with a lot of patients yesterday. I even woke up with my shoulders a little sore."
Natawa siya. Hindi ko alam kung bakit.
"Kung hindi lang kita kilala na natural na kalmado magsalita, baka hindi ako maniwala sa'yo Graciela. Kasi kung ako, siguradong panay ang reklamo ko."
Pumula ang pisngi ko at ngumiti na lang. After a while, I find it rude not to ask her the same question she just asked me. Madalas din kasi silang pumunta ng simbahan, lalong-lalo na noong pinayagan na ng pedia na ilabas nila si baby Akisha, their 4-month old baby.
"May sinat kagabi si Akisha, kaya hindi na kami sumama ng kuya mo."
My eyes widened in concern. I just don't know if Ate Shaina noticed it. Madalas kasi akong makatanggap ng puna kahit noon pa man na sobrang hinhin at tipid daw ng mga reaksyon ko, kaya halos hindi na nila mapansin. Hindi naman ako makatutol dahil totoo naman yata iyon.
My mom is the most finesse woman that I ever encountered. Iyon yata ang ipinamana niya sa akin. She also raised me to be like her, prim and proper. Pero parang sa akin ay nasobrahan na nga yata, dumoble kumpara sa kanya. Bukod roon, sabi ng iba at nakikita ko rin naman na namana ko rin ang mala-porselana niyang balat.
"Pina-check-up niyo na ba ate?" I asked worriedly and looked at baby Akisha who is sleeping peacefully in her stroller.
"Oo. Nagpunta kami kanina nang maaga. Naka-duty ang kaibigan mong si Abigail. She gave Akisha some med and thankfully her fever went down when we got home."
Tumango ako. Abigail is my friend and my classmate in medical school. She's a pediatrician at Sierra Vida Hospital where I am also working as a surgeon. Halos matawa ako nang magbalik sa isipan ang reaksyon ng mga tao tuwing nalalaman nila ang trabaho ko.
They said they never expected me to have such a pressuring job and even performed good. Madalas na lang akong ngumingiti kapag napupunta sa ganoong sitwasyon. I admit that my work as a general surgeon are sometimes stressing. Nakakawala ng poise. Pero siguro nasanay na rin sa ilang taon ko bilang doktor kaya hindi na ako ganoon nara-rattle.
Bahagya kong sinilip si baby Akisha at pinaglaruan ang maliit nitong kamay. Napapangiti ako tuwing humihigpit ang kapit niya sa aking daliri. She's an angel.
Mukhang sa pagkakataong iyon ay napansin ni Ate Shaina ang reaksyon sa mukha ko.
"Wala ka pa bang boyfriend, Graciela?"
BINABASA MO ANG
Soft Hues of the Morning
RomantizmSierra Vida Series Graciela Del Castello was raised in a loving and respected family. Being the youngest among her siblings, Graciela's parents was so protective on her. They pampered her with love and raised her to be a prim and proper lady. Wala n...