Nagmamadaling pumasok ng elevator si Shanhea , 5 minutes na syang late at siguradong masasabon na naman sya ng head accountant nila. Kung bakit naman kasi nakalimutan nyang naka silent nga pala ang phone nya hindi nya tuloy narinig na nag alarm ito.
"Shanhea sama ka sa bar mamaya?" bungad sa kanyang tanong ng office mate nyang si Lexi.
"Naku, eto nga at late na ako. Pass na muna ako jan." natatawang saad nya.
"Sasabunin ka lang naman ni Ma'am Jean, banlawan na lang kita mamaya." sagot rin nitong tumatawa pa.
"Bahala na, baka kasi ngayon dumating si Axel." tukoy nya sa kanyang boyfriend.
"Ganern? Sayang naman, Birthday pa naman ni Sam kaya nag aaya siya libre tayong lahat." sagot nito.
"Next time na lang ako sasama. Geh na babye na." sagot nya at nagmamadaling lumabas ng elevator ng makarating sa floor kung saan ang office nya.
"Miss Miller you're late!" saad ng head of accountant nila.
"Sorry Ma'am, hindi ko narinig ang alarm ng phone ko." sagot nya dito.
"Pasalamat ka wala ako sa mood magalit ngayon." saad nito at tinalikuran sya. "Bilisan mo na, wag ka ng bumangla jan at umpisahan mo na ang trabaho mo." dagdag pa nito.
"Espiritu ng kabaitan salamat at sumapi ka kay Dragona." saad nya na ikinatawa ng mga kasama nya sa accounting department.
"Sige ka naman pag narinig ka pa ng Dragona." saad ni Karen na tumatawa.
"Hindi na talaga ako sasama sa inyo mag bar." sagot nya dito.
"Hindi ka sasama sa blow out ni Sam mamaya?" tanong nito.
"Ayoko na, aba para na tayong mga tambay sa kanto inaraw-araw na natin ang pag inom ng alak." sagot nya dito.
"YOLO nga diba? Saka sulitin na natin habang mga single pa tayo at pag nagka asawa na ay sigurado na bahay-office na lang tayo." sagot naman ni Angel.
"Basta pass muna ako, baka dumating si Axel ngayon eh." sagot nya habang binubuksan ang computer nya.
"Sige na nga, babe time pala eh. Sana all may jowa." biro pa ni Angel.
"Sagutin mo na kasi si Sam." ganting biro nya dito.
"Ay gaga! Hindi naman nanliligaw." sagot nito.
"At may chance pala?" tanong naman ni Karen.
"Oy! Si Shanhea ang bida kanina bakit napalipat sakin ang hot seat?"
"Magdadaldalan na lang ba kayo maghapon?" taas kilay na tanong ng Dragona habang naka tayo sa labas ng cubicle nya.
Lahat naman sila ay natahimik na at inumpisahan na lang ang trabaho. Hanggang sa sumapit ang lunch time, saglit na lang silang kumain at bumalik din agad sa kani-kanilang ginagawa.
Pagdating ng alas 5 ng hapon ay uwian na sila, nagliligpit na siya ng gamit para sa pag alis ng mabasa niya ang text ng boyfriend.
Babe;
Hi babe, pauwi ka na ba? Pwede bang daan ka sa condo? Hindi kasi kita mapupuntahan, masama ang pakiramdam ko pagkarating ko galing Cebu.Agad naman syang nag type ng sagot dito.
Bili muna ako foods and meds bago ako tumuloy jan. Bakit di ka agad nagtext na masama pakiramdam mo, nakapag undertime sana ako.
Babe;
Wag ka na bili foods and meds, nagpadala na ako kay Ate dito.Sige, wait na ako taxi sa labas ng office. Pahinga ka na, wag ka na muna gumamit ng phone.
Nang may tumigil na taxi sa harap nya ay agad syang sumakay at nagpahatid sa condo ng boyfriend nya. She and Axel have been together since they were in college at bukas ang ika 10'th anniversarry nila.
Hindi nya namalayan na nakarating na sya sa tapat ng building ng condo ni Axel kung hindi pa sinabi ng driver na andun na sila. Agad syang nagbayad at lumabas ng taxi, binati naman sya ng guard na kilala na rin sya. Dumeretso na sya sa elevator na maghahatid sa palapag kung saan naroon ang unit ni Axel.
Nang makarating sa harap ng unit nito, gamit ang sariling key card ay malaya syang nakapasok. Masama daw ang pakiramdam nito kaya sa silid nito na sya tumuloy para makita ang nobyo.
When she opened the door soft music filled the room, the room was decorated with balloons, led lights and their picture together since the very first day that their together. And Axel was standing beside the bed holding a bouquet of her favorite flowers.
"Happy 10'th year anniversarry Love." nakangiting saad nito habang naglalakad palapit sa kanya.
"Ang advance mo naman, bukas pa eh." nakangiting saad niya dito saka tinanggap ang bulaklak na inaiaabot nito saka mahigpit na nagyakap.
"I miss you so much Love, I always miss you even if it's still a week of having vacation in my hometown." saad nito.
"Me too, I miss you too Love." sagot nya dito.
"I don't want to be away with you that long again, that's why I decided to end this boyfriend-girlfriend relationship of ours." saad nito.
"W-what?" kinakabahang tanong nya sa pag aakalang nakikipag break na ito sa kanya.
Nakangiti pa rin ito habang unti-unting iniluhod ang isang tuhod at inilabas sa bulsa ng suot na pantalon ang isang box na may singsing. "I don't want to be your boyfriend anymore, I want to be your husband. Will you spend a lifetime with me being my wife and the mother of our future children? Will you marry me Shanhea Lauren Miller?" tanong nito.
Hindi na niya napigilan ang mapaluha, natatakot syang matulad sa naging relasyon ng mga magulang pero mahal nya ang nobyo at sa sampung taon ng relasyon nila ay wala naman silang naging problema para pagdudahan nya na maging katulad ito ng kanyang ama.
"I know you're scared of marriage because of what happened to your parents, But I assure you, I won't make you cry, I won't cheat on you. You are the only woman I will love for the rest of my life. Make me the happiest man on earth and accept my proposal. Be my wife Love." dagdag pa nito.
"Yes Love, I want to spend the rest of my life with you. I'm afraid, yes, But I'm also afraid of being away with you, and seing you with someone else would hurt me so bad. I also want to be your wife." umiiyak na sagot nya.
YOU ARE READING
Forbidden Romance
RomanceBata pa lang si Shanhea ng maghiwalay ang mga magulang nya, siya ang isinama ng kanyang ina sa pag uwi nito sa Pilipinas, samantalang ang kanyang ate na si Andrea ay naiwan sa kanilang ama. Mula noon ay wala na silang naging komunikasyon ng ama at k...