Chapter 4

12 0 0
                                    

Nakaharap lang sa salamin Shanhea at tinitingnan ang sarili na ngayon ay naka make-up at suot na rin nya ang wedding dress na ipinahatid ng kanyang ama sa butler nito. Hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya, ang sabi ni Anthony ay sa venue na lang ito tatagpo.

  Napalingon naman sya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Papa Austin nya.

  "Hello there Princess."  bati nito sa kanya. "Napakaganda mo naman anak." nakangiting saad nito.

  "Aysows!! Nambola pa po ang favorite Uncle ko." nakangiting sagot nya dito.

  Ngumiti lang ito sa kanya at saka may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. "I was supposed to give this to my first love." umpisa nito "Pero ng oras na magtatapat na sana ako ng damdamin ko sa kanya ay naunahan na pala ako, she already said Yes to someone close to me. And now I'm giving this to you as my wedding gift." dugtong pa nito.

  "Why sa akin mo po ibibigay?  It seems so special to you."

  "Dahil special naman talaga sya sa akin, It was for your Mom. She's my first love." saad nito saka ikinabit sa kanya ang white gold na kwintas na may airplane pendant. "She loves travelling kaya sya naging flight attendant." nakangiting saad nito pero mababakas ang lungkot dahil sa panghihinayang at sa pagmamahal sa kanyang ina.

  "Pa-" Hindi na nya naituloy ang sasabihin ng muling bumukas ang pinto, ang event organizer naman iyon para sabihin na kailangan na nyang bumaba sa venue at malapit na mag umpisa.

  "Mauna na ako sayo sa baba anak, hinihintay na rin ako ng Mama Felize mo doon." saad nito saka sya hinalikan sa noo at nauna ng maglakad palabas ng silid na inuokupa niya.

NAGLALAKAD na sya sa red carpet na nakalatag sa venue ng kanilang kasal, nakahawak sya sa ama habang papalapit sa binata na may pinakamagandang asul na mga matang nakita nya. Nakatingin lang ito sa kanya at ganon din siya. She doesn't believe in love at first sight But thats what she felt at the moment she saw him in the altar.  Nakalimutan nyang may sarili syang fiance na naghihintay sa kanyang pagbabalik. All she could see is the man in a white tux staring intently at her.

"Don't forget what you came here for Shanhea. He's your sister's husband not yours." mariing saad ng ama.  Marahil ay napansin nito ang kakaibang tingin nila ng binata.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin sila sa harap nito. Iniabot ng kanyang ama ang kanyang kamay sa binata. "Take care of my daughter Hijo." nakangiting saad ng kanyang ama.

"Of course Mr. Miller."  maikling saad nito.

"It's Dad now Son." saad pa nito bago sya hinalikan sa noo at tumungo na sa upuan na para dito. Sya naman ay inakay na ng binata paharap sa pari na magkakasal sa kanila.

"We are gathered here on this beautiful day, to witness the union of  Nathaniel Black and Andrea Larrise Miller." Tumingin muna ito sa mga bisitang dumalo.  "If anyone here is against their union, You may speak now or forever hold your peace."

Wala namang umimik kaya ipinagpatuloy na ng pari ang seremonya. Maya maya nga ay natapos na rin.

"You may now kiss the bride."  saad ng pari. Itinaas naman ng binata ang kanyang belo saka inilapat ang labi sa kanyang labi. Sandali lang naglapat pero ramdam nya ang mga paru-paro sa kanyang tiyan.

"I now present to you Mr. and Mrs. Black."  dagdag pa ng pari at nagpalakpakan ang mga dumalo sa kasal.

"Congratulations to both of you." kanya-kanyang bati ng mga bisitang dumalo sa kasal. Tipid na ngiti lang ang itinutugon nya sa mga ito.

"Hello dear, welcome to the family."  nakangiting saad ng ina ni Nathan na si Rebecca. nakilala nya ito sa files na ibinigay ng ama.

"Thank you po Ma'am."  tipid nyang saad.

"I told you before to call me Mom diba?"  nakangiting sagot nito.

"Sorry po, I'm not use to it pa kasi." sagot nya dito.

"Son, pagkatapos ng reception tuloy na ba kayo sa honeymoon or uuwi muna kayo sa bahay nyo?" tanong ng ama nito.

"Ipinadala na ni Daddy Andreo ang mga gamit ng asawa ko, so diretso na po kami sa airport Dad." sagot nito.

"Saan tayo pupunta?"  tanong nya sa 'asawa'.

"Santorini, it's a gift from your cousin Rafael."  sagot nito.

"Mauna na po kami Mom, Dad. We have a flight to catch nasa sasakyan na rin ang mga gamit namin."  pamamaalam nito sa mga magulang.

"Magpapaalam lang ako kay Daddy at sa kina Papa Austin."  saad nya dito.

"Sasamahan na kita." pigil nito sa kanya habang nakayakap ang braso nito sa kanyang bewang. Kinakabahan sya sa mga mangyayari sa kanila, lalo na at sila lang dalawa ang magkakasama sa pupuntahan. 

Hinila na sya nito palapit sa table ng magkapatid na Andreo at Austin para makapag paalam sila.

"Dad, Mom we're leaving na." pamamaalam nya sa ama at sa step-mom bumeso pa sya sa madrasta labag man sa kanyang loob. Hindi nya nakakalimutan na ito ang sumira sa pamilya nya. Malapit ang kanyang kapatid sa madrasta kaya bilang pagpapanggap kailangan nya tiisin ang presensya ng babae.

"Take care you two darling."  plastic na ngiting saad nito.

"Uncle aalis na po kami."  paalam nya sa kapatid ng ama, ayaw ng kanyang ama na tinatawag nya itong Papa kaya ginagawa nya lang yon kapag hindi ito kaharap. Hindi naman nya pinansin ang Mama Felize nya dahil hindi naman ito kasundo ng kapatid nya. Labag man sa loob ay itetext na lang nya ito mamaya para humingi ng sorry. 

"Mag iingat kayo, ingatan mo ang prinsesa namin Nathan." bilin pa ng kanyang ama. Ang sarap sanang pakinggan kung para sa kanya talaga.

Tumango na lang sya sa ama at hinila na ang asawa palayo sa mga ito.

Nang makarating sa lobby ng hotel ay sumaglit na lang muna sila sa kani-kanilang silid para makapagpalit ng dami. Crop top na white at jeans lang ang suot nya na pinatungan na lang ng cardigan kung lamigin man sya sa byahe ay handa na. Pinaresan ng white na rubber shoes ang paa. Naghihintay na sa kanila ang sasakyan na maghahatid sa kanila sa airport ng sila ay makababang muli.  Tahimik lang sila habang nasa byahe.

"Sa plane ka na matulog, I know you're tired.  Ilang oras din ang magiging byahe natin, makakapagpahinga ka ng maayos." saad nito sa kanya.

Hindi sya umimik at tahimik na lang na tumango dito. Hindi naman nagtagal ay nakarating din sila agad sa Airport,  ibinaba lang ng driver nito ang mga bagahe nila at umalis na rin ito.

 

 

Forbidden Romance Where stories live. Discover now