Chapter 2

20 0 0
                                    

Pag uwi ni Shanhea sa sariling condo galing sa trabaho ay agad syang dumeretso sa kanyang silid. Nag lowbat ang phone nya kaya nag charge muna sya bago pumasok ng cr para mag shower.

Iniisip pa rin nya ang dahilan ng missed call sa phone nya mula sa tiyahin sa ama na nasa Canada. Fifteen years ngayon lang nagparamdam ang mga ito, tanging ang pinsan nya lang na si Raf ang hindi nakalimot sa kanya lagi sya nitong kinukumusta at minsan ay dinadalaw pa sya nito, sa katunayan ang condo nyang tinitirhan ay regalo nito ng mag graduate sya ng college para daw hindi na sya mag apartment.

Paglabas ng cr ay nakita nyang umiilaw ang kanyang phone,  tumatawag na naman ang Auntie Ariella nya.

"Auntie"  bungad nya sa kabilang linya.

"Shanhea you have to come here. ASAP. Your father needs you." bungad nitong saad sa kanya.

"Hello to you too Auntie."  saad nya dito. "You sounded like I don't have a choice but to go there." dagdag pa nya.

"Good that you know, your sister is in the hospital and the merging of the company with the Black's won't be possible if the bride is still in coma."  sagot nito.

"You have to pretend as Andrea and be the bride of  Nathan Black."  dagdag pa nito.

"What if I don't want to go there? For 15 years they didn't even visit me here nor even called, and now that his favorite daughter is in the hospital you wanted me to be there?"

"YOU.HAVE.TO.BE.HERE." mariing saad nito. "Anthony is on his way to fetch you,  You don't want your fiance to know about your family here, Yes?" sagot nito.

Natigilan naman sya sa sinabi nito, hindi nga pala alam ng kanyang nobyo o ng mga bago nyang kaibigan ang tungkol sa pamilyang iniwanan nya sa Canada.

"How long should I'll be staying there?" tanong nya.

"As soon as Andrea awake, after that you can go back to your life there." sagot nito saka pinatay ang tawag sa telepono.

Kinabukasan nga ay nag file na sya ng resignation dahil hindi naman nya alam kung hanggang kailan sya mananatili sa bahay ng ama.

"Bakit biglaan naman ang pagre-resign mo?" tanong ni Ms.Jean na head nila sa accounting department.

"I need to go to Canada to visit someone Ma'am and I'm not sure kung kailan ako makakabalik." 

"Hindi mo man lang kami binigyan ng chance na makahanap ng papalit sayo, effective today talaga ang inilagay mo dito sa resignation letter mo?"

"Sorry Ma'am,  ngayong araw din kasi darating ang sundo ko." sagot nya dito.

"Sige at dadalhin ko na muna ito sa big boss para mapirmahan."

"Thank you po." saad nya dito saka sabay silang lumabas ng office nito.

"Oii baks magreresign ka talaga?" tanong ni Angel sa kanya.

"Oo, kailangan kong pumunta ng Canada at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik."  sagot nya.

"How about Axel?" tanong nito.

"Tinawagan ko na sya kanina para magpaalam,  bumalik na kasi sya ng Cebu para sa restaurant na pinapatayo ng family nila."

"Tatawag kang madalas ha, mamimiss ka namin di ka na makakasama sa bar." saad ni Karen na yumapos pa sa kanyang tagiliran.

"Pwede naman siguro pag may time virtual nga lang." natatawang saad nya dito.

"Iba pa rin yong kasama ka mismo namin." nakalabi pang saad nito.

"Babalik pa naman ako, kung makadrama kayo. Pagbalik ko tutulungan nyo pa ako mag prepare para sa kasal ko." sagot nya sa mga kasama.

"Shanhea , pinapatawag ka ni boss gusto ka daw nyang makausap."  saad ng secretary ng big boss nila.

"Hala ka baka hindi ka payagan baks!" saad ni Angel.

"Ang nega mo." sagot nya dito.  "Sige susunod na ako." baling nya sa secretary.

Pagdating nila sa harap ng pinto ng office ng CEO nila na si Mr. Montreal ay agad binuksan nito ang pinto para papasukin siya.

"Good Morning Mr. Montreal."  magalang na bati nya dito.

"Have a sit Ms. Miller."  maikling saad nito habang nakaturo sa harap na upuan nito.

"I can't approved your resignation letter Louise,  I have a promise to your Mom and being a share holder of my company hindi ka basta pwede mag resign. I will give you an indefinite leave na lang instead. For the mean time ay hahanap na lang muna kami ng papalit sa maiiwan mong trabaho."

"Hindi po kasi ako sure kung kailan ako makakabalik ninong."  sagot nya dito.

"Hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit babalik ka pa sa lugar na yon pero sana ay hindi ka na masaktan sa gagawin mo. Your Mom is very special to me, at nangako ako sa kanya na babantayan kita."

"Thank you po sa lahat Ninong,  sisiguruhin ko po na hindi na nila ako muling masasaktan, aalamin ko lang kung anong dahilan sa biglang pagpapauwi ni Dad sa akin." sagot nya dito.

"Sige na, umuwi ka na ng maaga at makapag empake ka. Siniguro ng tiyahin mo na makakarating ka kaya pati ako ay tinawagan nya para hayaan kang makaalis. Mag iingat ka doon anak." bilin pa nito.

"Salamat po uli." saad nya bago tumayo at lumabas ng opisina nito.

Nang makalabas sya ay dumaan lang sya sa cubicle nya para kunin ang mga gamit nya at umalis na rin ng kompanya para umuwi sa kanyang condo at mag empake ng damit na dadalhin pauwi ng Canada.

Katatapos nya lang mag empake at magluluto sana ng hapunan nya ng tumunog ang doorbell kaya naman agad nyang pinuntahan kung sino man ang tao sa labas ng unit nya.

Isang pamilyar na lalaki ang napagbuksan nya ng pinto.

"Good afternoon Lady Louise,  I'm here to fetch you as per Madame Ariella's order." magalang na saad nito.

"Anthony is that you?" gulat na tanong nya. Eto ang personal assistant ng kanyang ama sa natatandaan nya.

"Yes it's me Lady Louise ,  if you're done packing your things we can leave now." sagot nito.

"But, I was about to cook dinner."  saad nya.

"You can eat on the plane, there is a ready dinner for you since the Madame's order is not to waste more time." sagot nito.

"Yeah sure, can you get my luggage on my room, I just grab my purse, no need to change my clothes as per Madame 's order too." saad nya at tuloy tuloy na pumasok sa silid niya, bago lumabas ay siniguro muna niya na wala syang maiiwan na mahalagang gamit dahil hindi naman sya nakakasiguro kung kailan sya makakauwi dito.

Nagtext din sya sa fiance na paalis na sya ng nakasakay na sila sa private plane ng mga Miller.

Forbidden Romance Where stories live. Discover now