Chapter 1: Broken Ties

89 15 14
                                        

Chapter 1

Broken Ties

Flame

20 hours before the incident. 


Nakatayo sa gilid ng gusali, hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Yung tipong wasak-na-wasak na ang puso mo kaya wala ka ng magawa kundi iiyak nalang. Isinigaw ko lahat ng sakit sa aking makakaya. Kahit papaano ay parang nabawasan ito.


Huminga ako ng malalalim para titigil na sana nang lumabas na naman ang hikbing hindi ko na kayang pigilan. Hinayaan kong bumagsak ang sarili ko para tumingkayad. Napahilamos ako sa mukha ko.


"F-flame, andiyan ka pa ba?"


Napukaw ang atensyon ko sa nagsalita. Tinignan ko ang telepono kong nasa gilid ko lang. Katawag ko ngayon si Kuya Wayne.


Kinuha ko ito. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa telepono ko.


"K-kuya, bakit... Bakit niya yun nagawa?" Nauutal kong sabi.


Natatakot ako baka may sasabihin na naman si kuya na hindi ko magugustuhan.


"Sorry, bunso... S-sorry... Sorry hindi ko n-napigilan si... m-mommy..."


Rinig ko sa boses ni kuya ang paghagulhul niya. Mas lalo akong nanginginig. Inilapat ko ang cellphone ko sa aking noo at muling napaiyak.


Hindi 'to magagawa ni mommy. B-bakit niya kayanag iwan kami? 


Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobrang sakit na malamang nagpakamatay si Mommy at wala ako doon nang nangyari ito. Kuya Wayne was there witnessing my mom's dead body. Wala siyang kamalay-malay na nagpakamatay na siya kaninang umaga dahil nag gogrocery si Kuya. Pagkauwi niya ay nakita niyang wala na si... si mommy.


"Sorry... Sorry... Sana.. sana hindi nalang ako umalis... Sana.." Mas lalong napaiyak si kuya.


"S-shh, hindi mo kasalanan k-kuya. Bukas, uuwi na ako ng Pilipinas—"


"Wag! Wag kang umuwi please..." Pagpigil niya sa akin.


"Si Mommy na 'tong pinag-uusapan natin! I want to see her! The last time I saw her, we were all scared and nervous. Gusto ko siyang makita ulit, kuya. Wala na akong pake kung ano mang mangyari sa akin!" Sigaw ko.

Hide And RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon