Chapter 4: Stuck

36 4 0
                                        

Flame's POV


Akala ko ay namanhid na ako sa takot pero eto ako ngayon, para bang nag-aapoy sa dibdib ko ang takot habang magkahawak kamay sa mga kaibigan ko. 


Mabilis kaming tumakbo papalayo sa cafeteria. Naghahalo na ang aking naririnig na mga sigawan kung sa estudyante ba ito o sa halimaw. Sa gitna nga kaguluhan, makita namin ang esudyante na parang isang karagatan sa dami nila na tumatakbo sa aming direksyon. Hindi pa sila isang halimaw base sa kanilang mga itsura. 


"Zombie!!"

"Huwag kayong pumunta doon maraming mga cannibal!!"

"What the fuck is this cannibalism!?"

"Takbo! Alis! Alis!"


Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Eislyn habang nakikipag tulakan para makadaan kami. Nakasalubong namin sila pero iba ang direksyon na tinatahak. Pa alis sila pero kami ay papunta palang. Dahil sa rami ng tao, kumalas ang mahigpit kong pagkahawak kay Eislyn.


"EISLYN! TRICIA! MATT!" Buong lakas kong sigaw. 


Ang daming mga estudyante ang nakasulong namin! Nakakainis!


Nang sa wakas naka alis na ako sa dagat ng mga estudyante ay tumigil ako para ilibot ang paningin ko. Wala na sila! 


Shit!


Oh, shit...


Nahagip ko ang sandamakmak na mga halimaw ang papunta sa direksyon ko. Eto ata ang tinatakbuhan nila.


Nasaan na ba kasi kayo?!


Patingin-tingin ako sa paligid ko nagbabasakaling makita sila pero wala talaga! 


Papalapit na din ang mga halimaw. Nagdadalawang isip akong gumalaw.


Agh! Bahala na!


Mabilis akong tumakbo papunta sa kanan ko. 


Kapag babalik ako sa mga estudyanteng nagkukumpulan ay mas mapapahamak sila. Habang tumatakbo ako ay may halimaw na malapit sa akin, busy pa ito sa pagkain pero agad siyang bumangon ng naramdaman niya ang presensiya. 


Dahil malapit lang siya sa akin ay tumalon ito dahilan ng pagbagsak ko.

Hide And RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon