03

96 27 0
                                    

Chapter 3: And They Met

HER

PAPUNTA na ako ngayon sa trabaho ko, malapit lang naman 'yong trabaho ko kung kaya't 'di magastos sa pamasahe. Ilang kilometrong lakad lang ay nandoon na ako. Malapit lang rin naman yung University kung saan ako nagaaral.



2nd Year of College na ako ngayon at BS Accountancy ang kinuha ko.



Less hassle naman 'yong accountancy saakin pero yung mga libro lang yung mga prinoproblema ko.



Sa pagmumunimuni ko 'di ko namalayan na nakarating ba pala ako sa lugar ng aking pinagtratrabahuan.




Isang Restaurant.




Oo, nagt-trabaho ako sa isang restau.
Bilang cashier at waitress, magd-dalawang taon na rin yata ako dito.




Maayos naman sweldo rito, regular naman ako kung kaya't medyo maayos na ako dito. Kung may mga time pa ako ay kung ano naman ang ginagawa kong trabaho para naman dagdag kita na rin. Halimbawa ay paglalaba, paglilinis ng Bahay Bahay o pagbabantay ng tindahan at iba pa.





At syempre 'di naman ako si Wonder woman na 'di napapagod. Nagpapahinga rin naman ako minsan. Pag 'di ko na kaya edi magpapahinga muna ako.





Malayo ito sa buhay ko noon pero kakayanin. Mahirap pala talaga pag ikaw lang ang magisa sa buhay. Buti na lang nandyan si Aling Isa na nagsilbing guide ko sa lahat.





Tanda ko pa na naging palaboy ako noon noong napunta ako sa syudad na ito. Nahimatay daw ako noon sa gitna ng kalsada at namataan daw ako ni Aling Isa. Simula noon tinulungan niya na ako sa lahat ng bagay.






Ewan ko ba kung ano nakain niya at tinutulungan niya ang taong hindi naman niya kilala. Siya na rin nagpapasok saakin sa restau na ito.
Maayos naman ang treatment saakin ng lahat. Nakakapagtaka nga kung bakit parang ang bait ng mga taong nakapaligid saakin kung gayon ay namumuhay naman tayo sa cruel world na ito.

Papalapit na ako sa restau nung may namataan akong wallet dito sa kalsada. Kaninong wallet 'to? Parang medyo makapal kapal pa ah.





Tumingin tingin naman ako sa paligid. Wala naman yatang makakakita saakin, hindi ba?







Kukunin ko na sana nung bigla ulit akong napatigil.




Wait.




Paano kung social experiment pala 'to?





Tsk. Hayaan mo na lang. Pagkinompronta ako sasabihin ko na lang na ihahabilin ko lang sa lost & found station ng restaurant. Para naman walang makakakuha na iba. Hehe.







Agad ko na lang itong kinuha at binulsa.






Maya maya lang ay nakarating na ako sa aking destinasyon. Pagkapasok ko pa lang ng restau, ay napakunot ang noo ko nung makitang maraming customers ang nakaupo sa kanya-kanyang table.


Teka anong meron?


10 AM pa lang ng umaga ah?




Namataan ko naman si Manager Idy na tumutulong na sa counter. Bigla namang dumako ang tingin niya saakin.






"Sechrie! Buti at nandito ka na. Magbihis ka na ng uniporme mo! Anraming tao!"






Agad naman akong napatango at dali daling pumunta sa personel's room at kinuha ang uniporme ko sa locker.






Run On Empty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon