31

18 2 0
                                    

Chapter 31: Proposal






"NAKITA ko na si Renzo, anak. Be ready."






Napapikit na lamang ako ng mariin at pinatay ang tawag.





Tumayo ako saaking kinatatayuan at unti unting lumakad papalapit sakaniya. Ang mga mata ko ay tanging nakatutok lang din sakanya.






Siya ang nasa harap ko ngayon, at mamaya ko pa makikita si Renzo.







Kumalas na sa pagkakayakap si Chary kay Mchyzer noong makitang papalapit ako sakanila.





Huminto ako sa harapan niya at tinignan ang buong pagmumukha niya.





Namiss ko siya.





"A-ah hi." ilang na bati niya. Agad naman akong napapikit ng mariin.






Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinampal ko siya.
Umalingawngaw ang ingay sa loob ng coffee shop dahil sa sampal kong iyon.










"Oh my God!" rinig long gulat na saad ni Chary.







Halata rin naman ang gulat sa mga mata ni Chyzer. Kitang kita ko kung paano naging pula ang pisngi nito.







Dahan dahan niya naman akong tinignan na para bang nagaalala pa siya sa ginawa ko.





Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong lumuha.





Bago pa siya makapagsalita ay agad ko siyang pinakyuhan.





Pakyu. Pakyu. Pakyu ka, Mchyzer.




Rinig na rinig ko naman ang mga bulungan ng mga tao dito.
Wala na akong pakialam sa iisipin ng iba.





Pagkatapos kong gawin iyon ay 'di ko naman mapigilan ang humikbi.






At sa pagiyak kong iyon ay naramdaman kong hinila ako ni Mchyzer sakanyang mga bisig at kinulong doon.





"Sorry... sorry," rinig kong paghingi niya ng patawad saakin.






Hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Walang katumbas na salita ang makakapaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.






I missed him so much, and I'm really glad that he's back.




"Uy! Chyzer! Sabi ko 'wag kang pumasok eh!"





Napatingin naman ako sa nagsabi non.





Si Xenri 'yon.





Hayop na lalaking ito.














BATOK at sapak ang inabot ni Mchyzer sa mga kaibigan namin noong pinatawag ko sila via video chat.





Pinakita ko talaga sakanila na nandito na si Mchyzer. Aba! Kahit masaya kami na nandito na siya. We deserve an explanation!





"Ano ba ang nangyari, brad? Ha?" tanong ni Jester. "Grabe! Namiss ka namin! Sarap mong ingudngod sa pader!"







Run On Empty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon