07

46 18 0
                                    


Chapter 7: Pleasing Tears




HER






7:55 na at mamayang 8 am na ang unang klase namin. Ang Income Taxation. Oo, unang class namin ay Income Taxation agad.




Mabilis naman kaming nakapasok sa Room at kunti pa man lang ang tao. Agaran 'rin kaming umupo sa 'di kalayuan at 'di kalapitan na upuan sa pisara. In short, sa gitna kami umupo.





Mahirap kasi pag sa gitna o sa likod. Dahil diyan ay yung mga palaging tinutukso at ginigisa ng mga prof. Kanya kanya kaming upo muna ngayon, dahil unang araw pa 'rin lang naman.





Maya maya lang ay 8 am na at sakto namang dumating ang prof namin.
Sa pagkapasok at sa pagkapasok niya pa lang ay kinuha niya na agad ang pentelpen sa table niya at sinulat niya ang kanyang pangalan doon.




Ba't ba ganito palagi magintro yung mga Prof sa unang class?



"Good Morning, Students. My name is Mr. Ronald Alfonso and I will be your professor in Income Taxation. I'm so glad that you all choose this subject for your first class today." Nakangiting saad ni Mr. Alfonso. Inilagay niya ang kanyang bag sa upuan at binuksan ulit ang pentelpeng hawak niya.





"Since this is out first meet, I'm gonna take it slowly. However, this is my class rules and regulations."






Sinulat niya ang rules and regulations niya sa board.





"Ok, here. We have 3 rules and regulations. Rule No. 1, No littering here. Yes, wag kayong nagkalat dito sa room ko. Ang makita kong nagkakalat dito sa room ko should be punish. How? There is first warning, pagnakita kitang nagkakalat dito room ay kailangan mong linisin ang buong room na ito after class. Second warning, pagnakita pa kitang nagkakalat sa room ko ay lilinisin mo ang buong department. And Lastly, the final warning. You will be given in dentention. Is that clear class?"






"Yes, prof," sabay na sagot namin kay Sir Alfonso.




"Rule No. 2, Be quite. Hindi na siguro kayo bata para sawayin pa dahil sa kaingayan niyo tama ba? Kahit yung unang rule. Dapat 'di na kayo nagkakalat. Here, wala akong mga warnings. Papayagan ko naman kayo magingay pero pag nasa oras lang. If I am talking here, kept your silence and listen. 'Yan lang ang hinihiling ko."




Maya maya lang ay may kumatok sa room. Narinig ko namang napabuntong hininga si Mr. Alfonso.





"The door is open, you may come in." sagot ni Mr. Alfonso.






Nagulat naman ako nung makitang si Mchyzer 'yon at napakunot ang noo ko nung makitang yung damit niya ay kaparehas na kaparehas nung nakasagi saakin.






So si Mchyzer pala 'yon?!




"Good morning, prof." bati niya dito.





"Good morning. May I have your name, please?"




"My name is Mchyzer Solmiento po.", sagot niya.





"Ok, you can now take your seat." tumango ito sa sinabi ni Mr. Alfonso at naghanap siya ng upuan.




At sa sandaling iyon ay nagtama muli ang aming mga mata. Nakita ko naman ang gulat sakanyang mukha. Ngunit hindi nagtagal ay nauna siyang umiwas at lumakad siya sa mataas na likod.



Run On Empty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon