22

37 9 0
                                    


Chapter 22: Secret Doors




HIS


["ANO, CHYZER? Nahanap mo ba siya diyan?"] tanong ni Alas sa kabilang linya.





Nandito ako ngayon sa pinagtratrabahuhan niyang restau, kinausap ko na 'rin si Ms. Idy kung napunta ba siya rito ngunit wala raw eh.


"Wala eh." sagot ko dito.
Saan ba nagpunta ang babaeng iyon?



["Hay naku, sige sige. Pabayaan muna natin siya siguro. Maghahating gabi na, babalik 'rin yang babaeng 'yan sa condo. Hays, nakatulog na 'rin 'tong si Chary. Pag may nangyari talaga sa ChaChababes ko, kukuhanin ko talaga condo ko sakanya."] hindi naman ako makasagot sa sinabi niya iyon at tuluyan niya ng pinatay ang linya.




Simula noong umalis si Sechrie ay halos naging aligaga kaming lahat sa paghahanap sakanya. Hindi namin alam kung saan ba siya pumunta. Si Chary naman ay napapaiyak na rin noon sa paghahanap rin sakanya kung kaya't umuwi sila muna ni Alas.




Naghanap na kami kung saan saan at kung anong pwedeng lugar na pwede niyang puntahan. Sa school, sa condo at sa cafe na tinatambayan nila pero wala.




Hindi naman siya siguro makakarating sa Manila ano? Oh pumunta nga siya doon?




Hindi. Malabong mangyari 'yon. Alam kong kinasusuklaman niya ang lugar na iyon.




Napahawak naman ako saaking sentido dahil sa inis.



Saan ko ba siya pwedeng mahanap?
























HER




"I-ISA pa pong tequila, please." request ko sa bartender.





Nandito ako ngayon sa isang bar na 'di ko alam kung saan. Basta pumasok ako dito para uminom. Walang gaanong tao rito at hindi ito typical na club bar na may mga nagsasayaw sa gitna.




Tahimik lamang dito at may mga english opm song lamang sila na pinapatugtog na talagang marerelax ka. At ako lang yata ang nagiingay dito.





"Lakas mong uminom ah, kaya mo pa ba?" tanong nito saakin. Mukhang mali pala ako sa sinabi kong ako lang dito ang nagiingay. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.





"Syempre naman! Minamaliit mo ba ako?! Ayaw mo rin ba saakin?!"





"Hey, hey! Teka lang, ito na. Last mo na 'yan. Lasing ka na miss." sabat saakin ni Kuya Bartender at binigyan ako ng isang shot ng tequila.






"What the h*ll did I do to this world?! Sinumpa ba talaga ako na maging ganito? Naging masama ba ako noong past life ko?!" sunod sunod na tanong ko kay Kuya Bartender at umiyak ulit.






"Aba't ewan ko sa'yo. I'm a just making drinks here, hindi manghuhula." sabat niya naman saakin habang nagpupunas ng baso.





At dahil naman sa sinabi niyang iyon ay muli akong napaiyak.




"Hoy gagi. Oh ito tequila ulit." kuha niya sa baso ko at naglagay ng tequila.





"Ay thank you." kuha ko sa baso at diretsong ininom 'yon.





"Hoy foul 'yon! Inuuto mo ba ako?" agad naman akong napatawa ng malakas sa sinabi niyang iyon. Psh. Uto-uto.





"'Wag kang maingay dito, binubugaw mo paalis 'yong ibang mga customers eh." saway niya saakin.








Run On Empty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon