CHAPTER 29

347 11 3
                                    

CHAPTER 29
(Camilla's Pov)

    Nakahiga lang ako ngayon sa kama ni Vincent. Umiiyak. Umiiyak ng paulit ulit. Ang sakit lang. Ang sakit sakit. Kung hindi nga ako naging mahina, hindi na sana aabot pa sa ganun ang pangyayari. Hindi sana mawawala sa akin si Vincent.

   Tok tok tok.

   Agad kong pinunasan ang aking luha ng makarinig ako ng mahihinang pagkatok. Mula sa pagkakahiga ay umayos ako sa pag upo. Nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Inang Reyna. Kasama nito si Jackie at Kyo.

     Oo nga pala. Binuhay muli ang kaluluwa ni Jackie bilang isang engkantada. Ang ganda ganda nya sa kanyang suot na kimona. Mukha syang anghel. Magkahawak sila ng kamay ni Kyo.

    Lumapit silang tatlo sa akin. Si Inang Reyna naman ay tumabi sa akin.

    "Hindi ka pa ba babalik sa mundo nyo? Matagal ka ng nawawala doon??" malumanay na sabi ni Inang Reyna. Hinagod nya ang aking likuran. Heto na naman yung pakiramdam na masakit.

     "Camilla, bumalik ka na. At sabihin sa kanila na ako'y hindi na babalik pa. Na natagpuan ko na ang aking tunay na pamilya." sabi ni Jackie.

     "Paanong...."

     "Paanong alam ko? Sinabi nila sa akin. Kinuwento nila sa akin ang lahat. At... at masaya ako dito." sagot nya. Tiningnan nya si Kyo at inakbayan naman sya nito.

     "Ako ang bahala sa kaibigan mo, Camilla. Hindi ko sya pababayaan." sabat naman ni Kyo.

    Buti pa sila. Masaya na. Masaya sa isa't isa. Samantalang ako, eto, nagluluksa pa rin sa pagkawala ng mahal ko.

   Naiiyak na naman ako.

   Vincent.. vincent, mahal ko.

   "Akala ko, sya ang soulmate ko. Pero bakit-- bakit nya ako iniwan?" sabi ko. Hindi ko na napigil ang hinanakit ko. Ang hirap tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin.

     "Hindi ka nya iniwan, Camilla. Lagi lang syang nasa tabi mo at binabantayan ka. Sigurado akong ayaw nyang makitang umiiyak ka." pang aalo sakin ni Inang Reyna.

     Hindi ko mapigilan eh. Ang sakit pa rin kasi.

     "Umuwi ka na muna, Camilla. May mga taong naghihintay sayo dun. Tyak na nag aalala na sila sa iyo." sabi ni Kyo. "Ihahatid kita."

      Nilibot ng tingin ko ang kabuuan ng silid ni Vincent. Alam kong wala na akong pag asa na makita pa syang muli. Alam kong kahit kailan hindi na kami magkakasama pang muli.

      "Sige po. Uuwi na po ako." sabi ko kay Inang Reyna. Ngumiti sya sa akin at niyakap ako. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya kaya gumanti ako ng yakap.

       "Maaari kang magbalik dito kahit kelan mo gusto." Sabi ni Inang Reyna.

       Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. At tumingin kay Kyo, na para bang sinesenyasan nya na ihatid na ako.

      Pinunasan ko ang mga mata ko saka ako tumayo at inayos ang sarili ko.

      Uuwi na ako.

      Uuwi  akong kulang na ang pagkatao.

      Kulang dahil wala na ang mahal ko.

      Ang mahal ko na umokyupa sa espasyo ng kakulangan sa buhay ko.

      Wala na si Vincent pero mananatili sya sa puso ko.

      Sa puso at sa buong pagkatao ko.

Message In  A Bottle [ENCHANTED SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon