CHAPTER 17

573 14 6
                                    

CHAPTER 17
[Camilla's Pov]

  Hindi talaga namin napilit si Tita Cristine na makipagtulungan samin. Bakit ko pa daw babalikan ang mga nilalang na tinalikuran na ng angkan namin. Paanong hindi? Eh ang prinsipe lang naman nila ang bumihag sa heartlalu ko. Hindi ko sya pwedeng talikuran. Hindi ko sya kayang talikuran. Pakiramdam ko, nang dahil sa balat ko ay parte na talaga nila ako. Pero nagmatigas talaga si Tita Cristine. Ayaw nya daw madamay ang pamilya nya. Tyak na hindi daw sila titigilan ng mga itim na engkanto at mga maligno. Pinoprotektahan nya ang pamilya nya. At ako naman, wala naman akong pamilyang poprotektahan. :(

   Kaya heto kami ngayon ni Jackie, nasa harap ng puntod ni Mama. Malapit na din lumubog ang araw, bukas na lang namin huhukayin ang libingan. Namiss kong dumalaw dito. Sa pagmamadali ay hindi na ako nakabili kahit kandila. Haays.

   "Tara na, Jackie."

   "Sige."

   Naglakad na kami palabas ng sementeryo. Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga kaluluwang nakatingin samin. Hindi na ako natatakot sa kanila. Para na lang silang hangin para sakin.

  Pumara ako ng isang jeep, mas makakatipid ng pamasahe kung dito kami sasakay. Sa bahay ko muna kami uuwi ni Jackie. Nagpaalam narin ako kay na Shayne at Joyce na nandito ako. Bukas pa siguro ako ng gabi makakabalik dun. Nang makarating kami sa bahay ko, pinagpahinga ko muna si Jackie sa kwarto ko. Nagtungo ako sa kusina para tingnan ang laman ng ref pero wala. Bumalik ako sa kwarto at kinuha sa cabinet ko ang savings card ko. Yung iba dito, naiwan nina Mama at Papa. Yung iba naman, galing kay Tita Cristine. Magpapaalam sana ako kay Jackie na mamimili muna ako ng pagkain pero tulog na sya. Napagod siguro sa mahabang byahe. Lumabas ako ng bahay at pumunta na sa isang malapit na mini grocerry store. Bumili ako ng pagkain na pang hanggang bukas lang. Babalik din naman kasi kami agad sa Lemery. Pagkatapos kong bilhin ang lahat ng dapat kong bilhin, umuwi na agad ako. Nagpatugtog ako ng mp3 sa cellphone ko habang nagluluto at nagsasaing.

"Let the world around us
  Just fall apart..
  Baby we can make it
If we're heart to heart..
  
  And we can build this dream together
  Standing here forever
  Nothing's gonna stop us now.
  And if this world runs out of lovers
  We'll still have each other..
  Nothing's gonna stop us now.."

   Sinasabayan ko lang ang kanta. Hindi ko masyadong alam ang lyrics nito, pero parang sapol ako sa bawat Lyrics. Tumigil ang pagkanta at nagring ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino, unregistered number. So sinagot ko.

   "Hello? Sino 'to??"

   (Hi. Ahm si Kenneth to. At last sinagot mo yung call.)

   Ngayon ka lang naman kaya tumawag. In fairness, pamilyar yung boses nya. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig.

   "Sorry."

   (Its okay. So, zup!?)

  "Ha?" zup zup ka pa nalalaman.

   (I mean wazzup?)

  "Okay lang." kaboring ka kausap.

   (Good to hear..)

  "Well, ibababa ko muna 'to ha?? Kasi may ginagawa ako. If you dont mind??" naaabala mo ako.

   (Oh. Sorry. Sige, take your time. Bye)

  Hindi na ako nag-goodbye at pinatay ko agad. Tinikman ko ang niluluto ko, nag menudo lang ako. Tamang ulam hanggang bukas ng umaga. Ang sarap! Haha. Basta ako ang nagluto, naku.

Message In  A Bottle [ENCHANTED SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon