CHAPTER 23

608 19 5
                                    

CHAPTER 23
[Camilla's Pov]

   Pabagsak akong humiga sa napakalaking kama ko dito sa palasyo. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung paano ko makukuha si Tita Cristine sa kamay ni Hanin. Buong akala ko, pag hinayaan ko na syang wag masangkot sa gulo ng mga engkanto ay matatahimik na sila. Pero hindi pa rin pala. Alam kong matagal na nyang ipinasara ang third eye nya. Bata pa lang ako noon ay kinukwento nya sakin na hindi daw nya gustong makakita ng iba't ibang elemento. Kaya't sumangguni sya sa isang kilalang bihasa pagdating sa pagsasara at pagbubukas ng ikatlong mata. Doon ay ipinasara nya ang kanyang third eye. Mula nun, naging mapayapa na sya. Wala na syang nakikitang kahit na anong multo o maligno.

   Pero ito naman ang nangyari. Mukhang nakasulat na talaga sa mga palad namin na parte na kami ng mga engkanto.

  'Anong gagawin ko??'

  Tok tok tok.

  Napatingin ako sa pinto at ng magbukas ito ay ang nakangiting mukha agad ni Vincent ang nakita ko. Napaupo ako at hinintay na lamang na makalapit sya sakin. Tulad ng lagi nyang ginagawa, may dala syang bulaklak.. pero ngayon, hindi lang basta bulaklak kundi isang rosas na kulay mint green. Parang may glitters pa sya at kumikinang.

  "Camilla.." nakangiting banggit nya sa pangalan ko. Umupo sya sa tabi ko at binigay ang kakaibang rosas.

  "Para sayo.." dagdag pa nya sabay halik sa aking noo.

   Sweet >…<

   "Salamat, Vincent. Ang ganda naman nito." sabi ko at inamoy amoy ko ang bulaklak. Ang bango. Amoy victoria's secret.

   "Espesyal yan, kasi espesyal ka sakin eh." sabi ni Vincent sabay sundot sa tagiliran ko.

  Ako naman dahil malakas ang kiliti ko naitulak ko sya. Pero laking gulat ko dahil tumalsik sya sa may pinto.  Hala! Anyare!? Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya at inalalayan syang tumayo.

   "S-sorry. H-hindi ko alam ang nagawa ko. S-sorry, Vincent." sabi ko. Grabe, ano ba yung nagawa ko??

   "Hehehe. Okay lang, Camilla. Hindi mo naman sinasadya. Grabe, ang lakas mo pala talaga." biro nya. Inalalayan ko syang maupo ulit sa sofa. Gulong gulo pa rin ako sa nangyari kanina.

   "Vincent, anong nangyari? Ibig kong sabihin, paanong nangyari yun??" naguhuluhan kong tanong. Tiningnan nya lang ako ng seryoso sa mukha. Okay, medyo kinakabahan ako.

  "Tingnan mo ang marka mo. Pag ang kulay nito ay asul, sagisag na mataas at makapangyarihan ka. Pero pag naging kulay ginto na ito, naabot mo na ang limitasyon ng pagiging malakas at makapangyarihan." paliwanag nya.

  Kahit hindi ko naiintindihan ang point nya ay napatingin na rin ako sa dibdib ko. Unti unti kong sinilip ang marka ko. Kulay asul pa rin sya  pero nababakasan na ng kulay gold. Ibig sabihin, malapit ko nang maabot ang limitasyon. Hala!

   "Wag kang mag alala. Alam kong naguguluhan ka pa rin. Pero nandito lang ako, aalalayan kita. Tutulungan ka naming kontrolin ang lakas at kapangyarihan mo. Tandaan mo na sa engkanto at maligno mo lang magagamit yan at hindi sa kapwa mo tao." dagdag pa nya saka ako niyakap.

  Nakaramdam naman ako ng comfort. Kailangan ko talaga nito ngayon. Natatakot ako na baka kung ano na naman ang magawa ko. Natatakot ako na baka masaktan ko si Vincent.

   "Natatakot ako, Vincent."

   "Wag kang padadaig sa takot mo dahil yan ang magpapahamak sayo."

   Napatunghay ako sa kanya. Takot ang mapapahamak sakin. Kailangan kong labanan ang takot ko. Sa mundong ito lang gumagana ang kapangyarihan ko. Sa mga maligno at engkanto lang tatalab ito.

Message In  A Bottle [ENCHANTED SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon