[9] Show them that you are fun to be with.

1.3K 22 9
                                    

Isang taon akong hindi nag-update. Brace yourselves mahaba-haba 'to ;) Fact: Yung ibang ginawa nila dito ginawa ko in real life. 

"Ninth dare mo ay kunin 'yung stars sa pagitan 'nung dalawang escalator tapos ibigay sa guards."

Naglalaro kami ngayon ng 10 Dares ni Lyric at ang kapalit kapag nakumpleto 'yung sampung dare ay tatlong galon ng ice cream. Tiningnan ko 'yung escalators at binilang kung ilang stars ang kailangan kong kunin. Twenty stars. Hindi naman siguro magagalit 'yung management ng mall kung kinuha ko decorations nila db? Ibabalik ko naman. Ata. 

Lumapit ako sa escalator at saka nilingon si Lyric. "Game!" 

Ngumisi siya at saka nag-jog papunta sa akin. Nagsimula na ako. Isa isa ay binunot ko 'yung mga stars na nakadikit sa green na ornaments. Magpapasko na kasi kaya madami nang decorations dito sa mall. Pinagtitinginan ako 'nung mga taong pababa na nadadaanan kaming mga paakyat. Si Lyric naman nagcha-chuckle lang sa tabi ko. Nakuha ko lahat at saka pinakita sakanya pag tapak namin sa ground floor. Saktong sakto naman na 'yung entrance ang bumungad sa amin kaya nandun 'yung guards. Nilapitan ko sila tapos kinalabit. Pag tingin nila sa akin ay itinulak ko 'yung mga stars sa dibdib nila saka kumaripas ng takbo. 

Sinigawan kami 'nung guards. Sumigaw din ako habang tumatakbo kasama si Lyric. "MANONG PAKIBALIK NA LANG SA ESCALATOR! THANK YOU!"

Kinailangan naming tumakbo paikot ng mall kasi hinabol kami 'nung isa. Bigla akong tinulak ni Lyric papunta sa kabilang direksyon at saka sinabihang magkita na lang daw kami sa Atrium. Tumango ako at tumakbo palayo sa guards. Habang tumatakbo ay napapangiti ako. Last week dito rin ay naglakad kami ni Lyric na may mga doodle sa mukha. Ngayon naman ay kung anu-anong dare ang ginagawa namin. Ang saya lang na si Lyric pa kasama ko sa mga first-times na 'to. 

Nang makarating ako sa Atrium ay medyo hinihingal na ako. Mabuti na lang ay boyscout ata 'yung si Lyric kaya may inhaler ako. Nagpahinga ako saglit at saka hinanap si Lyric. Hala. Wala pa siya. Siya 'yung hinabol ng guards 'nung naghiwalay kami. Baka nahuli na siya! 

Tumingin tingin ako sa paligid pero wala pa rin siya. Dinala na kaya siya sa office? Paalis na sana ako para puntahan siya pero may biglang sumigaw ng pangalan ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita na si Lyric 'yun. Pero lumingon pa rin ako. Eh tinawag niya ako eh. 

"Kala ko nahuli ka na."

Sumandal siya paharap at saka hinawakan 'yung mga tuhod niya. Hingal na hingal siya. Hinagod ko 'yung likod niya habang hinahabol niya hininga niya. "Ayan kasi tatakbo takbo pa."

'Nung okay na ulit paghinga niya umayos siya ng tayo at saka ginulo buhok ko. "Ikaw ba? Hindi ka hinika?"

Umiling ako. "Hindi naman." Pinakita ko sakanya inhaler ko. Tumawa siya tapos "Your turn."

Lumingon lingon ako para tingnan kung ano ang pwede kong ipa-dare sakanya. Wala akong makita kundi 'yung stage na sine-set up nila sa gitna 'nung Atrium. May ilang lalaki ang naglalagay ng mic at kung anu-ano pang sound system sa stage. Napangisi ako. "Ang ninth dare mo naman Lyric at umakyat sa stage na 'yan tapos kumanta ng isang buong kanta." Saktong may inakyat 'yung mga nagse-set up sa stage na gitara. Nice! "Tapos sabayan mo na rin ng gitara."

Tumingin si Lyric sa stage tapos nagkibit balikat. "No problem."

Umakyat siya sa stage at nagpaalam sa mga nandun. Naupo ako sa mga upuan sa tapat 'nung stage. Tumawa sila bago tumingin sa direksyon ko. Eh? Mabilis lang at binigyan siya ng gitara. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gwapo ni Lyric habang naglalakad papunta kung nasaan 'yung mic, ilang metro lang mula sa akin. Habang naglalakad ay nakatingin siya sa mga mata ko. Pakiramdam ko nag-slow motion bigla 'yung mundo. Corny kung corny pero totoo. Binigyan niya ako ng isang makalaglag puso, hindi panty, na ngiti. Tinawanan ko lang siya pero sa loob loob ko gusto kong maglupasay sa sahig at gumulong gulong sa kilig.

15 Ways To Win Your Crush's Heart :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon