[6] Try impressing your crush.

1.5K 32 29
                                    

Step #6.

"Step #6. Try impressing your crush." 

"Try impressing your crush? Pabasa nga!" Hinablot ko 'yung scrapbook mula kay KL "Now that you have already made your crush notice you, it's time to move on to the next step. Impress your crush. Start by spiking up your academic status. Most guys usually find themselves drawn towards rather brainy girls. Plus, pulling your grades up will make him notice you more and eventually admire you for it. But of course it's not just your academic status we're talking about here. You may also impress your crush by making a name in certain fields like sports and the like. But remember, strive not only for him but more importantly, for your own welfare."

 "Shocks. We're so dead."

Kumunot noo ko kila KL. "Bakit?"

 Napasapo ng noo si KL tapos bumulong. "Matinding effort 'to." 

"Teka KL. Ano bang meron? Naguguluhan ako."

Napatingin siya sa akin. "Lyre ang sabi kasi sa scrapbook i-impress mo daw crush mo at isang way para mapansin ka niya at mabilib siya sa'yo ay ang paga-aral mo ng mabuti para mapataas grades mo."

Kumunot noo ko sabay turo sa scrapbook. "Eh bakit kailangang taasan 'yung grades KL?"

Huminga ng malalim si KM. "Mas naa-attract daw kasi ang mga lalaki sa mga brainy na babae."

"Bakit naman?

"Instinct na kasi ng tao 'yun Lyre." Napatingin ako kay KL. "Normal na lang sa tao 'yung maghangad sila na matalino 'yung maging girlfriend/boyfriend nila. I mean, not that it's a need o requirement na maging matalino ka para magka-lovelife ka. Sa panahon na 'to kasi nakakadagdag points talaga pag matalino ka o kaya mataas grades mo lalo na pag honor student ka pa. Kaya nga 'yung iba naga-aral talaga sila ng mabuti para mapansin sila ng crush nila db?"

"But it doesn't mean na just because kailangan mong i-impress 'yung crush mo eh kailangang todo aral ka na o kaya magiging OA ka na para maging matalino. Gaya nga ng sabi sa scrapbook pwede mo namang daw i-impress crush mo by using your talents. Kung magaling ka kumanta edi sumali ka sa choir o activities ng school na pwedeng makilala 'yung talent mo." Pagsingit naman ni KM.

Napaisip ako. "Eh paano 'yan bobo ako. Paano ko tataasan grades ko?"

Ngumiti si KM. "You're not bobo naman as in wala nang pag-asa tumaas ang grades. Effort lang naman 'yan Lyre eh." 

"At saka sabi sa scrapbook gawin mo 'to hindi lang para sa crush mo kundi para din sa sarili mo. Look Lyre kapag tumaas grades mo mas malaki 'yung chance na makuha ka sa dream university mo. Pati matutuwa pa parents mo saka sulit na 'yung pagpapa-aral nila sa'yo. AND db mas masarap sa pakiramdam 'yung hindi mo na-impress crush mo pati nakagawa ka pa ng ikabubuti ng kinabukasan mo?"

"Edi kailangang mag-aral na talaga ako?"

Sabay silang tumango. "Tama! Pati last year mo na 'to sa high school Lyre! Better make the most of it na! And ... anong kwenta na palabas ng palabas ganda mo kung wala namang brain db?"

Tama sila KL at KM. "Sige. Pinapangako ko na mula ngayon---"

"Wait lang Lyre. Db tutor mo na si Kuya Lyric?" 

Napatango ako. "Oh my gee! Saktong sakto lahat! Look ha." Lumapit sa akin si KM. "Kung tutor mo si Kuya Lyric mas mapapadalas pagsasama niyo at saka mas magiging close kayo. Tapos pwede mo ring gamitin iyon para mapakita sakanya na brainy ka talaga coz you're not bobo naman talaga you're just tamad. Oh db?"

"Tama si KM, Lyre. Saka gamitin mo 'yung presence ni Lyric bilang inspiration na mag-aral pa lalo na kung may tutorial session kayo at wag distraction. Maiirita sa'yo 'yun."

15 Ways To Win Your Crush's Heart :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon