Umuulan nanamanAndito kami sa bahay nila tita, huling araw ng burol ni lola ngayon, at dahil kaka matay lang ni lola naisipan nilang ganapin ito sa bahay ni lola
Dahil hindi ko naman masyadong close mga pinsan ko naisipan kong mag ikot ikot muna sa bahay
Pumasok ako sa kwarto sa pinaka dulo ng hallway sa second floor
Malaki yung kwarto, at malamig yung simoy ng hangin
Siguro dahil lumang style yung bahay kaya gawa ito sa kahoy
May napansin naman akong maliit na box sa ilalim ng kama kaya kinuha ko ito
Maganda sya na may floral design at may ribbon pang naka dikit
Binuksan ko ito at may nakitang notebook at madaming mga sulat
Kinuha ko yung notebook at namangha ako sa ganda nito dahil leather yung cover nya na may engraved na pangalan
"Maria"
Pag kaka basa ko sa naka sulatBinuksan ko ito at sinilip kung anong naka sulat sa loob
"Talaarawan ni Maria Arellano Santos"
Pag basa ko sa naka sulat sa unang pahinaMaria Arellano Santos? Si lola yun diba?
Tinignan ko naman yung mga sulat na nasa box at lahat sila mula sa isang nag ngangalang
"Juanito Garcia"Sino yun? Alam ko pangalan ni Lolo Francisco diba?
Inisa isa ko yung mga sulat base sa araw kung kailan sila pinadala
Hindi ko na natiis kaya binuksan ko yung Diary ni lola at sinimulan itong basahin
Mas ok na to kaysa makipag usap sa mga tao sa baba
Nung una mukhang normal lang naman sya na diary kaya bibitawan ko na sana pero dun ko na nabasa yung simula ng love life ni lola
BINABASA MO ANG
Patawad, Salamat
Romantik[ AN EPISTOLARY ] Isang araw may isang babaeng nag ngangalang Marilla ay nag lilibot sa bahay ng namayapa nyang lola na si maria Habang nag iikot ikot ay nakahanap sya ng isang maliit na kahon na nag lalaman ng diary at madaming sulat mula sakanya...