"
3/17/1951
Nakita ko ang luma kong tala arawan at naisipang mag simulang mag sulat ulit
Mahigit isang taon na pala akong walang sinusulat
At napaka dami na palang nangyari sa loob ng isang taon
Noong hulyo ay bumalik na ako sa bahay namin ni lola, naisipan kong ako yung may ari ngunit iba ang tumitira kaya bumalik na ako
Pag balik ko ang tao lang sa bahay ay si manang belen na matagal nang naninirahan dito sa bahay bago pa ako ipanganak
At sa tingin ko bago pa din ipanganak si mama sapagkat dating yaya sya ni lola
Pag pasok ko sa kwarto ko ay wala masyadong nag bago, malinis parin sya, siguro dulot ng pag lilinis ni manang
Mag iisang taon na kami ni Francisco sa susunod na buwan kaya naisipan kong mag simuala ulit mag sulat sa tala arawan
Para kahit sa pag tanda ko ay mababalikan ako ang unang taon namin kasama ang isa't isa
Paalam na muna at may gagawin pa ako, mag susulat nalang ulit ako kapag may kakaiba o may gusto akong isulat
"
BINABASA MO ANG
Patawad, Salamat
Romance[ AN EPISTOLARY ] Isang araw may isang babaeng nag ngangalang Marilla ay nag lilibot sa bahay ng namayapa nyang lola na si maria Habang nag iikot ikot ay nakahanap sya ng isang maliit na kahon na nag lalaman ng diary at madaming sulat mula sakanya...