Epilogue

18 4 0
                                    

Matapos kong basahin lahat ng sulat at niligpit ko na ang mga ito

Hindi ko napansin na naiyak na ako habang nag babasa

Pag tapos noon ay bumaba na ako at tumabi kila mama sa mga upuan na pinaka malapit kay lola

"Anak? Umiyak ka ba? Don't worry, magiging maayos lang ang lahat, kahit wala na si lola mo ay nasa puso't isipan parin natin sya"
Sabi ni mama bago ako yakapin ng mahigpit

"Ninong Francis!"
Pag tawag ni tita sa isang lalaking pumasok

Lahat naman nag tinginan sakanya
"Mabuti naman po at naka punta kayo"
Sabi ni Mama bago bumitaw sa yakap nya sakin

"Matalik na kaibigan ko na yang si maria noong bata palang kami"
Sabi nung lolo

Lumapit naman ito sa kabaong at naluha habang tinitignan si lola

"Francis? Sya ba si Francisco?"
Tanong ko kay tita

"Oo, kababata sya ni lola mo"
Sagot naman nya

Tinignan ko sya habang naka tayo sa harap ng kabaong ni lola

"Ayan po ba yung singsing sa kwintas ni mama?"
Tanong ng isa ko pang tita

"Oo, huli ko nang nalaman mula kay Carmina na pinadala nya pala saakin ito"
Sagot nya

Tumahimik lang ang lahat nang mag salita sya
Kahit na bulong lang ito rinig na rinig mo dahil sobrang tahimik ng paligid

Naluha ako ng marinig ko yun dahil naalala ko yung nabasa ko at yung storya nila ni lola

Mas lumapit sya sa kabaong at bumulong

"Patawad, Salamat"

The End

Patawad, SalamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon