"
3/3/1950
Ipinag diwang kanina ng buong baranggay ang kaarawan ni juanito
Sikat kasi pamilya nya dahil matulungin sila kaya naman maraming mabubuti ang pakikitungo sakanila at madami din humahanga sakanila
Binigay ko kay juanito yung regalo ko at nagustohan nya naman ito na agad nya itong isinoot
Paulit ulit sya sa pag papasalamat nya na nag simula kaming pag tinginan ng mga tao sa paligid kaya agad ko syang inawat
Nandito lang muna ako sa kwarto ni juanito tumatakas sa pag diriwang sa baba dahil medyo na hilo ako sa dami ng tao
Tawag na ako ni lola kaya kailangan ko nang bumaba
Itutuloy ko nalang ang pag susulat ko mamaya pag uwi ko sa bahay
"
"
Andito ako sa kwarto ko ngayon nag papahinga matapos lahat ng nangyari kanina
Matapos kong bumaba ay kinuha ni lola ang atensyon ng lahat dahil may importante daw syang sasabihin
Nagulat nalang lahat ng bisita pati narin ako nung ipinahayag ni lola ang pakikipag-ugnayan namin ni Juanito
Alam kong normal lang naman na ang pamilya ang mag dedesisyon kung kaninong pamilya ka ikakasal pero ni hindi ko manlang nalaman kung ano ang iniisip ni juanito tungkol dito dahil pag lingon ko kung nasaan sya ay nawala na sya kung saan sya nakatayo bago si lola mag salita
Sana nalang hindi maging dahilan ito nang pagka ilangan namin ni juan
Ayaw ko naman kasi masira ang pag kakaibigan namin dahil lang sa isang
Pakikipag-ugnayan naming dalawa"
BINABASA MO ANG
Patawad, Salamat
Romance[ AN EPISTOLARY ] Isang araw may isang babaeng nag ngangalang Marilla ay nag lilibot sa bahay ng namayapa nyang lola na si maria Habang nag iikot ikot ay nakahanap sya ng isang maliit na kahon na nag lalaman ng diary at madaming sulat mula sakanya...