Levana Ortolano
Kinakabahang nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang matulin itong umaandar. Papalapit na kasi kami sa simbahan kung saan ako ikakasal. Napabuntong hininga na lamang ako, ikakasal ako hindi dahil mahal ko ang papakasalan ko. Ikakasalan ako dahil sa kasunduang nabuo sa pagitan ng mga magulang namin ng taong papakasalan ko.
Kung ako lamang ang masusunod hindi ko pa sana gustong matali, I also have dreams. Pero tulad nga ang sabi ni Dad, my life is different to others. I am not just ordinary citizen na pwedeng gawin ang lahat. Lumingon ako sa mga itim na sasakyang sumusunod sa aking bridal car, napabuntong hininga na lamang ako. Ilang sa mga nadadaanan naming tao ay napapatingin sa mga sasakyang sumusunod sa akin, sino ba ang hindi? Meron lang namang limang itim na kotse ang nasa harapan at lima rin sa likod, hindi naman ako anak ng presidente ng Pilipinas pero dahil bilang isang anak ng membryo ng mafia normal na sa akin ang ganitong set-up.
"Malapit na po tayo, Miss Levana." anunsyo ng driver-slash-body guard ko. Muli na naman akong kinabahan. Mula noong sinabi ni Dad na ikakasal na ako ay hindi na ito mawala sa isip ko, idagdag pa na hindi ko kilala ang taong papakasalan ko. Sabi ni Dad kasosyo niya sa negosyo pero may kutob akong hindi ito totoo. Noong minsan may family dinner kasi sana kami mga magulang lang ng taong papakasalan ko ang sumipot sa amin.
Tanging pangalan lamang niya ang alam ko, Shaun Maximus Bianchi. Sinubukang ko itong i-search sa internet pero ni isang litrato o impormasyon sa taong ito ay wala akong makita. Sabi ni Dad isa ang kumpanya niya sa tinitingala dito sa ating bansa pero nakakapagtaka impormasyon lang ng kanyang mga magulang ang nakikita sa lahat ng social media site.
Ilang sandali pa ay tumigil na ang sinasakyan ko sa harap ng malaking simbahan, hindi na bago sa aking ang makita ang napakaraming kalalakihan at kababaihan na nakasuot ng itim na tuxedo na naghihintay sa akin. Noong makita nilang huminto na ang sinasakyan ko sa harap ng simbahan ay tila may kinakausap sila sa earpiece na nakakabit sa kanilang tenga. Hinintay kong pagbuksan nila ako ng pintuan bago ako bumaba.
Huminga muna ako ng malamin, ito ang unang beses na makikita ko ang mapapangasawa ko. Aminado ako na natatakot at kinakabahan ako kasi alam kong pagkatapos nito sa puder na niya ako tutuloy. Sabi ni Dad tulad niya ang mapapangasawa ko, myembro rin ito ng underground organization---o mafia. Natatakot ako na baka pag sakanya na ako tutuloy pagmamalupitan niya ako or worst papatayin niya ako.
"Tara na po Miss Levana, naghihintay na po ang Daddy niyo." I look at Clarise, isa sa mga Bodyguard ko. Mula noong minsang nakidnap ako palagi na akong may kasamang bodyguard kahit saan ako magpunta. Noong una naiilang ako kasi, kahit sa palikuran ako patutungo nakasunod sila pero kalaunan nasanay na rin ako.
Inalalayan ako ni Clarise hanggang sa nakasalubong ko ang baklang nag-ayos sa make-up at gown ko. Marahan niyang sinipat ang kabuoan ko bago biglang pumalakpak at nakangiting pinicturan ako.
"Bagay talaga sayo ang gown na ito Miss Levana, jusko ang hirap hirap natin isuot 'to kanina." komento niya habang inaayos ang laylayan nito. Isang off-shoulder wedding gown ang napili ko na may mga desiniyong crystal stone sa dibdib hanggang sa laylay nito. Inayos ko naman ang lace na magkabilang balikat ko, bago muling tumingin sa baklang nakangiti sa akin.