Levana's POV
I woke up the next morning alone in our room. I know hindi natulog si Max dito, yung blanket at pillows na para sa kanya kasi ay hindi man lang nagalaw. Tumayo na ako at inayos ang higaan, nahangip ng mata ako orasan na nakasabit sa dingding. I am a bit shock ng makita ang oras, it's already 8:24 in the morning, usually nagigising ako around 6 in the morning for my exercise. I sigh, maybe napagod ako kahapon.
I walk towards the window at hinawi ang kurtina nito. Bumungad sa akin ang tanawin mula sa labas, today is sunny day kaya maaliwalas ang paligid. I look down and to my surprise there is a wide garden and a pool. Wow!
Excited akong nagpunta sa bathroom and do my morning routines. Nang matapos ako dali-dali akong lumabas para pumunta sa baba, sana huling baitang na ako ng hagdan ng makita ko ang isang nasa mid 40's na babae na abalang naglilinis sa living room. She look at me then smile, I smile back at her bago pinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan.
"Oh ija, gising ka na pala. Gusto mo bang ipaghanda kita ng almusal?" Sabi nito bago naglakad papasok sa kitchen, sinundan ko naman ito hanggang sa kitchen counter.
"Ako nga pala si Brenda, maaari mo akong tawaging 'Nay Brenda. Pinadala ako ng Mommy niyo para ako ang maging kasambahay niyo dito." She said while readying some utensils.
"Ako nga po pala si Levana, pero tawagin niyo na lang po akong Vana." Pagpapakilala ko, ngumiti lang ito at tumango.
"Kilala na kita ija, palagi kang nababanggit sa akin ni Caridad." Sabi nito, tumango lang ako dito. Knowing na ikinukwento ako ni tita--Mom sa kanila, it overwhelms me.
"Ano nga pala ang gusto mo anak? Kape o gatas?" Umiling ako at lumapit sa counter.
"Ako na po ang titimpla Nay." Sabi ko, it's new to me to call someone 'Nay' kaya medyo nailang akong tumingin sa kanya.
"Nakakatuwa ka naman ija, masaya akong madadagdagan ang aalagaan ko bukod sa pamilya Bianchi." napakagat labi ako sa tinuran niya. I'm glad too, back in Spain our maids don't usually talk to me kasi minsan lang sila sa bahay. Mostly kami lang ni Dad at mga tauhan niyang hindi rin umiimik, kaya natuto ako sa mga gawaing bahay specially cooking.
"Sige na maupo kana doon at ipaghahanda na kita ng makakain." Sinunod ko naman ang sinabi niya, naglakad ako papalapit sa mesa habang hawak ko ang tinimpla kong gatas. I don't like coffee much, kaya gatas na lang ang tinimpla ko.
Pinanuod ko lang si 'nay Brenda habang abala ito sa pagsasalin ng pagkain. Nang matapos ito lumapit sya sa akin at inilapag sa harap ko ang platong. It is a garlic fried rice with sunny side up and a hotdog. Sa totoo lang I don't eat rice pag umaga, fruits or oatmeal lang ako. Pero hindi naman masama kung sanayin ko nang kumain ng rice tuwing umaga kasi ganito sila dito sa Pilipinas.
"Kumain ka na, tawagin mo na lang ako kung tapos ka na ha? Tataposin ko lang ang ginagawa ko sa sala." Ngumiti at tumango ako dito. Marahan niya namang hinaplos ang kamay ko at pinatitigan ako.
"Napakaganda mong bata, ija. Maswerte si Maximus sayo." Sabi nito bago ako nginitian at lumabas na sa kitchen. No comment ako sa sinabi ni nanay Brenda, kasi una hindi ko pa nakakausap si Maximus. Hindi ko nga alam kung saan ako lulugar, napabuntong hininga na lamang ako bago sumubo ng pagkain.