Episode 5
*************
Bago ako tuluyang lumabs ng kwarto ko nakita ko naman yong sliding door sa balcony na nakabukas kaya yong kurtina ko hinahangin, pumunta naman agad don para sana isarado ng Makita ko si..
"Dylan?"
My lalaking naka-upo sa duyan ko,
nakatopless siya at nakamaong pants habang naninigarilyo, obvious namang si Dylan 'to. Ano pang ginagawa niya dito? Akala ko umalis na siya."So you're ready?"
Tanong niya sakin habang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa,
napatango naman ako habang titig na titig sa bibig niyang my subo-subong yosi, hindi ko tuloy maiwasang huwag maalala yong kiss namin kagabi, lagpas na nga ata sa age ko yong kiss na nagawa namin last night.Pinamulahan naman ako dahil sa naalala ko. Tumayo siya at saka siya lumapit sakin, inaasahan kong makakaamoy ako ng amoy yosi pero bakit ang bango pa din niya? Amoy
baby. Umiling-iling naman ako."You remember something from last night?"
Nakasmirk na tanong niya sakin, agad naman akong napa-atrass nung nilapit niya sa mukha ko yong mukha niya at pinakatitigan ako, hindi ko tuloy maiwasang hindi maconcious.
"H-huwag mo nga akong titigan!"
Sabi ko sa kanya kasabay ng pagharang ko ng kamay ko sa mukha niya. Tumawa naman siya at
umayos ng tayo."I'll wait for you in front of your gate."
Seryosong sabi niya sakin at isang talon lang niya mula sa balcony ko
papunta sa balcony ng room niya.
Hindi ko naman nagets yong sinabi niya kaya tinanong ko siya agad, nung akmang papasok na siya sa kwarto niya."Anong wait? Bakit mo ako aantayin sa harapan ng gate namin?"
Takang-taka kung tanong sa kanya. Umiling-iling naman siya at kahit nakatalikod siya sinagot niya ako.
"I'll drive you to Jiro's place."
Nang madinig ko yong pangalan ni Jiro mula sa kanya nakaramdam agad ako ng takot at kaba. Bakit niya ako ihahatid sa bahay ni Jiro? Sasabihin
niya ba kay Jiro yong nangyari samin kagabi? Nakatulala lang ako sa likod niya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Natauhan lang ako nung.."I'm just going to make sure you'll be safe, nothing more."
At saka siya tuluyang pumasok sa kwarto niya. Paglabas ko naman ng gate namin, nakita ko na agad yong pulang Chevy niya na nakapark
sa harapan ng gate namin, habang siya naman nakacrossed arms na nakasandal sa my driver seat.
Nakasuot na siya ng shades at naka v-neck shirt na fit na fit sa kanya kaya yong katawan niyang nasisinagan ng araw parang kumikinam.Nagflashback naman agad sa isip ko yong ginawa kung paghawak sa abs niya at yong ungol niya nung ginawa ko yon. Umiling-iling ako at saka umuko. Baka tanungin na naman niya ako kung my naalala na naman ba ako tungkul kagabi, mapahiya na naman ako sa kanya.
Mukha pa namang mabilis lang niya nababasa yong nasa isip ko. Nakuha lang niya yong attention ko ng sabihin niyang pumasok na ako sa loob
ng sasakyan niya. Hindi ko man lang napansin na nasa loob na
pala siya.
YOU ARE READING
Neighbors with Benefits
RomanceYou thought he was the one. He taught you how to love, believe that forever does really exist and Prince Charming is real. He made you fall for him hard. Hard in a way that you made yourself believe that he was your source of life, without him you'...