Chapter 5

26 2 1
                                    

Alona's POV

Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Dark. Hay... maaga na naman syang nagising.

Naghilamos ako at nagtoothbrush bago bumaba. Naamoy ko agad ang bacon. I love bacon.  Kahit yan ang ulam ko araw araw mabubuhay ako.

Pumunta agad ako sa kitchen. Nakita ko dun si Dark na naka sando na gray at pajama. Busying busy sa pagluluto.

"Sabi na eh." puna ko. Humarap sya sa gulat dahilan kung bakit di nya sinasadyang nailagay ang kamay nya sa pan. Napalapit naman ako ng di oras dahil sa katangahan nya. "Aish! Magaling ka na sana magluto eh, kung di ka lang sinusumpong minsan ng katangahan." galit na usal ko. "Ikaw naman kasi eh. Parati mo nalang akong ginugulat. Ahh! Shit! Ang hapdi!" reklamo nya.

Kumuha agad ako ng yelo at nilagay sa tela para mailagay sa paso nya.

"Akin na." hingi ko sa kamay nya. Binigay naman nya. Sa unang dampi ay medyo napangiwi sya pero ng nagtagal ay medyo bumuti buti na. Habang ginagamot ko yung paso nya ramdam ko yung titig nya sakin.

"Don't look at me like that. It creeps me out dude." tawa ko sakanya. Napaiwas lang sya ng tingin sakin saglit pero lumingon ulit. "Wave, can I ask?" tanong nya. Tumango lang ako.

"Ni minsan ba di pumasok sa isip mo na maging tunay na babae nalang? I mean, look at you. You really look like a girl." tanong nya. Napabuntong hininga naman ako. "Actually, many times. Palagi ko yang iniisip. I'm still doubting about my identity. Lalo na ngayong nakilala ko si Amanda. I can't help but to think about being a lesbian. Alam kong pangit tignan yun. Basta." honest na sagot ko.

Totoo yun. Hanggang ngayon naguhuluhan pa din ako. Nasanay kasi ako na ganto na ko. Walang arte sa harap ng maraming tao. Ah basta! Ewan!

Tumayo naman si Dark. "Lika na, kain na tayo." aya nya sakin. Tumango naman ako. Ganyan kami mag usap. Hindi awkward.

Kumuha na ko ng plato, baso kutsara at tinidor. Nagtimpla naman ng juice si Dark. Inilapag nya iyon sa mesa at nagsimula na kaming kumain.

Nilagyan nya ng bacon and egg yung plato ko. Ganun din ako sa kanya. Natawa kami bigla sa kabaliwan namin.

Pagkatapos namin kumain, umuwi muna si Dark. May gala ata kami ngayon. Nagtataka nga ako kasi pinagbabaon nila ako ng damit. Ano kayang trip nila?

Nageempake ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Si Dark.

"Ready?" tanong nya sakin. Nilagay ko na ang huling pares ng damit na babaunin ko. Sinara ko na ang backpack ko tsaka hinagis kay Dark. Ginulo naman nya yung buhok ko.

I'm wearing a white printed sando and fitted black jeans and black sneakers. Mas komportable kasi ako dito.

Bumaba na kami at dun ko nakita ang mga patay gutom. Oo! Patay gutom. E paano ba naman kararating lang nila dinumog agad yung lalagyanan ng chichirya ko.

"Hoy mga bakulaw!" sigaw ko sa kanila. Sunod sunod naman silang nag lingunan. Aba't kanya kanyang bitbit sila ng chips.

"Tangina! Sino nagbigay ng pahintulot sa inyo na kuhain yan ha?!" galit na sigaw ko. "Waaahhh! Minions, run!!!!" sigaw naman ni Kiel. Sabay sabay silang tumakbo sa labas papasok sa van nila Macky. Mga gago talaga.

Eto namang katabi ko, tawa lang ng tawa. Sinapak ko sya sa dibdib tsaka lumakad papuntang van.

"Himala yata at hindi ikaw ang nagdrive?" puna ko kay Macky. Sya kasi madalas nagdadrive pag may gala kami. "Tinamad ako eh. Tsaka medyo malayo layo din." sagot nya. "San ba kasi tayo pupunta at bakit pinagbaon nyo pa ko ng damit?" tanong ko. "Its a surprise!" excited na sabi nya. Inirapan ko naman sya. Tss. Malalaman ko din naman mamaya.

I Don't Wanna Miss A ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon