Chapter 7

23 0 0
                                    

Kiel's POV

Heyaaahhh! Kiel over here! Pinakabobo este pinakabibo sa buong barkada! Kilala nyo naman na siguro ako. Syempre kakapakilala ko pa nga lang eh.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako may POV noh? Kinulit ko kasi si Ms. Author na bigyan ako ng POV sa chapter na to.

Alam nyo kung bakit?

Kasi....

Kasi...

Kasi...

"Kiel!!!!!!! Puta! yung hot choco ko nasan na?!" ayun! Hahaha! Kailangan ko na atang umalis. Baka sumabog na naman ang alon. XD

Ang totoo nyan kasi talaga nagPOV ako dito dahil wala na daw gwapong makausap sa mundo ngayon so to the rescue ako! Kaya eto! Viola!!! Lumitaw ako!

(Author: Lumayas ka na nga Kiel! Wala namang katuturan sinasabi mo eh! -_-)

Oh tamo! Pati si Ms. Author banas na sakin. Mwahahahaha! Tagumpay Kiel!!!

Basta guys kung gusto nyo makipagusap sa gwapong tulad ko, magrequest lang kayo kay Ms. Author. Wala ng magagawa yun pagkayo na nagrequest. Hihi!

"Kiel!!! Asan na yung banana chips?!" bingo! Pati si Dilim pikon na! Wahahaha! Galing ko talaga mang inis!

"Wala na! Kinain na ng MABAIT!" hihi! Pikunin pa natin!! "Ahhhh! So kinain mo pala?!"

"Ganon?! Mukha na pala akong daga ngayon?!" Leche! Ako pa yata mapipikon!

"Alam mo pre baby ka palang sinabi na samin ni Tita na bubwit ka na talaga! Dun ka daw nya pinaglihi!" singit ng partner ko. Si Jord.

"Pati ba naman ikaw?!" reply ko sa kanya. "Bro I'm just helping you to find out kung tao ka ba talaga."

Waaaaahhhh! Di nila ako mahal!! Huhu! Grabe na! Hindi na makatarungan to!!!

"KIEL!!!!! MAGSISISI KANG DI MO KO SINUNOD!!! IPAPALASAP KO SAYO KUNG PAANO UMINOM NG KUMUKULONG HOT CHOCO!!!" waaaahhhh! Lagot na!!!

Sige guys, next time nalang ulit! Sana nga may next time pa!!! Babye!!!

------

Alona's POV

Kanina pa ko gulong gulo dahil sa lalaking weirdo sa may seaside. Bakit pati yung problema ko sa gender ko alam nya?

Nandito na kami ngayon sa dinning area ng kwarto namin. Maagang natapos yung event. Konti lang naman kasi ang mga bisita kaya maagang natapos.

Nanghihinayang nga sila nung malaman nilang private resort pala to. Kukumbinsihin ko sana yung apat kaso pag tingin ko pa lang sa kanila, umiling na agad sila kaya ayun. Wala akong magagawa. Hindi naman kasi sa lahat ng bagay e ako yung masusunod.

Pagtapos kong torturin si Kiel dahil sa katarantaduhan nya dumiretso na ko sa kwarto namin para makapaglinis ng katawan.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at makapagbihis ng pantulog, sumiksik na ko sa apat na kulugo na nanonood ng movie sa sala. Nakapantulog na din sila.

Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin yung movie kasi di ko naman nasimulan.

Lumilipad ang utak ko dahil sa pangyayari kanina. Sino ba kasi yun?! Bakit pabigla bigla yung exposure nya?! Di manlang ako nainform.

Habang nag iisip kung sino nga talaga yung bakulaw na yun, naramdaman kong bumigat yung balikat ko. Pagtingin ko sa kaliwa ko, ayun si Kiel bagsak. Sa gilid nya ay si Jord na nakasandal din sa balikat nya.

Tumingin ako sa kanan ko at ayun, huling huli din si Dark. Katulad ni Jord, si Macky ay nakasandal din sa balikat ni Dark.

So anong role ko dito? Poste?! Unan?!

I Don't Wanna Miss A ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon