Chapter 1

42 1 0
                                    

Isang linggo na noong pangyayari na yun. Hindi pa din siya mawala sa isip ko. Ang ganda niya kasi talaga eh. Parang hindi na normal yung pagkaganda niya. Hay.

Out of nowhere, bigla naman akong kinalabit nung apat. At wag ka, sabay-sabay pa talaga sila. "Ano?" inis na tanong ko. Bwiset naman kasi eh! Nagdedaydream pa yung tao!

"Tignan mo oh!" sigaw nila na parang may tinuturo sa likuran ko. Pagkita ko, siya yun!! siya yung babaeng nagtanong sakin. Bihira lang kami magkita, andami kasing estudyante dito. Minsan nga di na kami magkakitaan, buti nalang magkakaklase kami ngayong school year na to.

4th year highschool na kami. Halos dito na kami mga nagbinata. Yup, nagbinata. Walang aangal!

Papalapit siya ng papalipat, nagchachant naman yung apat sa likuran ko ng "Oh girl! andyan na si crush! kamusta naman ang hair mo" gamit ang boses ng bakla. Mga siraulo talaga to!

Tiningnan ko sila ng masama. Nanahimik naman sila.

"Uhm hi! Diba sayo ako unang nagtanong last week? hehe. Thanks ulit ha? Ako nga pala si Amanda." nakangiting bati nya.

"Hey, uhm. Hello! Ako naman si Alona." maikling sagot ko. Grabe! Speechless talaga ako sa kagandahan niya.

"Hi Alona! So, pwede mo ba akong i-tour sa buong campus? Di ko pa kasi talaga to natotour ng buo eh. Kung okay lang sayo?" tanong niya.

Nag "ehem" naman yung mga kumag sa likod ko. Kahit kailan talaga.

"Ah, yun lang ba? Sige i totour kita. Gusto mo ngayon na eh. Okay lang naman sa barkada ko, diba?" diniinan ko talaga yung word na 'diba' sabay harap sa kanila. Sabay sabay naman silang tumango. As if naman na may magagawa sila.

Nagpaalam na ko sa barkada ko then nagstart na kaming mag tour. She's really nice. Di ako nagkamali. Masaya siyang kasama. Sobrang joyful ng mukha niya. Inaya ko muna siyang magpahinga sa isang bench malapit sa garden ng school.

"Pwedeng magtanong?" bigla nalang yan lumabas sa bibig ko. "Nagtatanong ka na nga eh." matawa tawang sagot niya. Ngumiti naman ako. "Bakit dito mo naisipang mag enroll? I mean, maganda ka and tulad ng sabi mo varsity ka sa dati mong school. May ibubuga ka din naman sa academics. Bakit dito ka pa nag enroll?" tanong ko. "Uhm sa totoo lang, napagtripan ko lang mag aral sa public. Tingin ko kasi mas maayos to compare sa ibang public school. Tsaka last year ko naman na to bilang high school student kaya para astig, nagpublic ako." masayang sagot niya.

Shet! Yung puso ko na naman. Tsk! di na maganda to. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.

"Oh? Napano ka?" nagtatakang tanong ko. "Wahahahaha! Wala lang. Ang seryoso mo kasi magtanong. Wag ganun. Di ako sanay eh." nagulat ako sa sagot niya.

So hindi talaga siya katulad ng mga ibang babae? Hindi puro pagpapaganda lang yung alam niya. Naniniwala kasi ako na ang tunay na maganda, hindi nahihiyang malakas ang tawa.

Napatawa nalang ako kasi nakakadala yung tawa niya.

Inaya ko na ulit siya dahil malapit na rin mag uwian. Papunta na kami sa may Gym ng bigla siyang huminto at tiningnan akong mabuti. Nakanguso pa siya habang titig na titig sakin.

"Oh anyare na naman sayo?" tiningnan ko siya ng nagtataka. "Hmmm... alam mo sobrang gaan ng loob ko sayo. Simula sa araw na to, magbestfriends na tayo. Bawal umangal! Magagalit ako!" nakangiting sabi niya.

What the?! Magiging bestfriends kami?!

*********

I Don't Wanna Miss A ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon