Beginning

73 1 0
                                    

Alona's POV

"Aray!!!! Ano ba, Wave?! tigilan mo na nga ako!!" sigaw ni Kiel sakin. Kanina ko pa kasi sinasampal-sampal. Bakit? Wala lang! Trip ko lang manampal. Nakakatuwa kasi siyang mainis. Parang natataeng ewan. XD

Tawa lang ako ng tawa habang pinagmamasdan yung namumula niyang pisngi. Nandito kami ngayon sa canteen. Halos mukha nang mga langgam mga studyante dito. Maliit lang kasi tsaka sobrang dami naming nag aaral dito.

Public kasi kaya mukha kaming sardinas pag dumagsa ang mga studyante dito. At tama kayo, sa public ako nag aaral. Bakit? Trip ko lang. Nandito kasi mga barkada ko kaya kung nasaan sila, nandun din ako.

May kaya naman kami, ako lang talaga tong mapilit dito. Actually, sila din pala. May kaya din sila kaso mas gusto daw nila dito para makatipid. Oh diba? Wais kami! Di naman kasi importante kung saan kang school mapadpad. Ang mahalaga magkalaman ang utak mo kahit papaano at makasama mo ang mga kaibigan mo.

Grade 1 palang ako, mga kaibigan ko na tong mga kumag na to. Sila Macky, Kiel, Jord, at Dark. Bakit puro lalaki mga kaibigan ko? Ewan. Siguro kasi mas masaya pag puro lalaki mga kasama mo. Walang arte, walang drama, puro kulitan at harutan lang.

Masaya sila kasama. Kahit medyo may pagkaloko-loko, mababait naman sila.

Kahit siksikan kami dito sa canteen, may pwesto pa rin para samin. Syempre, kung kaibigan mo ba naman yung mga hearthrob dito sa school, mawawalan ka pa ba ng pwesto? Well, hindi naman kami mayayabang, wala din kaming tinatapakan o pinagtitripang ibang tao. Para samin, ayos na yung kami kami nalang. Wala ng eepal pang ibang problema.

Hindi kami ordinaryong barkada na basta basta nalang mantitrip ng walang rason. Sa halip, tinutulungan namin yung mga pinagtitripan ng ibang barkada dito sa school.

Habang naglalakad kami papuntang classroom, may isang babaeng nagtanong sakin.

Syete! Anghel ba to?!

"Ah miss, saan dito yung room B?" tanong niya. "ah, uhm, sa langit este dyan. Dyan sa unang pinto sa kanan, dire-diretsuhin mo lang. Hehe" sagot ko.

Grabe! First time lang ako mautal sa kaharap kong babae.

"Ah okay, thanks!" sabi niya. Naglakad na sya palayo samin habang ako, tulala pa rin. "You're welcome" bulong ko habang nakangiti.

Binatukan naman ako ni Jord. "Hoy! ano na?! Love at first sight lang ang peg?" sigaw niya. "Leche ka naman Jord! kitang nagpapantansya pa ang prinsesa sa isa pang prinsesa tas bigla mong babatukan!" singit naman ni Dark.

Nagtawanan naman silang apat. Tinitigan ko sila ng masama dahilan para mapatigil sila sa pagtawa.

"Oy! chill lang, Wave! binibiro ka lang naman namin." Sabay sabay nilang sagot. Pinitik ko isa isa yung mga tenga nila sabay takbo at tawa. Malakas kasi ako mamitik. Parang di na makatao. Madalas silang naiinis pag ganun ang ginagawa ko kaya sabay sabay silang sumigaw ng "Wave!!!!!!! humanda ka samin!!!!"

Hahahahahaha! di naman ako natatakot sa kanila. Talo naman sila sakin sa suntukan eh. (Pero syempre joke lang yun XD)

Nagtataka siguro kayo kung bakit 'Wave' ang tawag nila sakin. Alona kasi talaga ang pangalan ko (obvious naman sa POV diba?) kaso sabi nila para mas astig at mas kakaiba, 'Wave' nalang daw.

Sila lang naman kasi ang nakakaalam na tomboy ako. Siguro yung iba naghihinala na, pero barkada ko talaga unang nakaalam.

Habang naglalakad ako papuntang classroom, nadaanan ko yung room B kung saan nakita ko yung babaeng diyosa na nagtanong sakin kanina.

Grabe! ang ganda niya talaga. Posible kaya yun? Posible kayang mainlove ako sa kauri ko din?

Hay, hirap naman mainlove. Mali pala, mahirap maging tomboy. Tsk! Oo na, malandi mang pakinggan pero ambilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko siya.

Bwisit! bakit ba kasi ako pinanganak na babae? bakit hindi nalang lalaki? bakit kailangan maging tomboy pa ko?

Kung lalaki lang ako, edi sana pwede ko na siyang ligawan. E hindi eh. Feeling ko nakulong ako sa katawan ng babae.

Paano ko tuloy mapopormahan yung babaeng diyosa?

**********

Tadah!!! tapos ko na ang beginning. (akala mo andami nang natapos e noh? XD) Hihi! Advance thank you sa mga magbabasa! chammy chammy!

-Zircon

I Don't Wanna Miss A ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon