DEAR CALI | SPECIAL

48 3 0
                                    



Nagmamadali akong bumaba sa condo dahil may kailangan akong bilhin na materials para sa project nang makasabay ko ang taong iniiwasan ko. Ang taong ayoko ng makausap pa at kung kaya ko lang ibalik ang panahon isa siguro siya sa ayokong makatagpo at maging malapit sa akin.





”Alexyie. Pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya ngunit hawak niya pa rin ang kamay ko kaya agad ko 'yong binawi.





”Matt. Tama na tigilan mo na ako. ” Madiing sambit ko at naunang maglakad pero sadyang makulit siya dahil kahit saan ako magpunta ay nakasunod siya.




”Matt. Bakit ba ayaw mong tumigil ha!” Sigaw ko sa kanya dahil ubos na talaga ang pasensya ko. Marami akong tanong at maraming bagay ang nagbago ng dahil sa kanya kaya bakit ngayon ganto ang inaakto niya?




”Alex. Pasensya na sa mga nagawa ko noon maniwala ka sakin nagbago na ako. Please pwede pa rin naman natin maayos kung anong meron tayo hindi ba?” nagmamaka-awang sambit nito sakin habang hawak ang kamay ko pilit ko itong binawi sa kanya ngunit hinalikan niya ako.




Tangina. Hindi ko alam pero naaninag ko si Cali nakatingin sa amin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naghahalo ang emosyong nararamdaman ko.




Sinampal ko agad si Matt at agad akong nagsalita para matapos na ang kahibangan niya.




”Matt tumigil kana. May boyfriend nako at hindi ako kailanman makikipag-balikan sayo tandaan mo yan. Ginawa mo akong kabit Matt. Hindi ko alam kung ganon nga ba ang tingin mo sa akin mismo ,bakit Matt masamang babae nga ba ako sa paningin mo?!” Galit na sumbat ko sa kanya at hindi kona mapigilan ang mga luha ko na bumagsak.





”Alexyie... H-hindi sa ganon...”





”Anong hindi sa ganon?! Matt pinagkatiwalaan kita kasi boyfriend kita nung mga panahong yon! Tapos ang malalaman ko may sinira na pala akong relasyon nung pinatulan kita. ”



”Pero ikaw yung mahal ko Alexyie! Mahal kita!"




”Hindi. Ayoko ng pagmamahal mo Matt. Kung ang tingin mo ganyan ang pagmamahal wag ka nalang magmahal. Ang tunay na pagmamahal Matt yung wala kang sinasaktang ibang tao at hindi mo gagawing masamang tao yung taong mahal mo. ” Saad ko bago ako umalis at iniwan si Matt sa lugar na 'yon.




Hindi ko alam kung paano ako mag-eexplain kay Cali o kahit sa kaninong kaibigan ko sa nangyari. Bakit ba nagsusulputan nalang yung mga taong dati gusto mong makausap para sa peace of mind mo pero ngayon na di mo na sila kailangan tsaka sila magpapakita.


DEAR CALI  | COMPLETE ✓Where stories live. Discover now