Hindi ako sumipot sa pagkikita namin ni Rose Ann. Ang taong isa rin sa dahilan kung bakit natatakot akong magtiwala sa sarili o kahit sinong taong parte ng nakaraan ko.
Ngunit kahit anong pilit kong iwasan sila ay sila ang naghahabol sa akin ngayon. Binuksan ko ang letter na ipinadala niya.
”Dear Alexyie,
Humihingi ako ng tawad sa mga nasabi at nagawa ko sayo. Bata ka pa nga non. Hindi mo pa alam at masyado akong naging masama para sayo.
Nabigyan kita ng trauma na alam ko hanggang ngayon ay dala mo parin. Pasensya na kung sinisi kita sa pagkawala ng kapatid ko na ako naman ang may kasalanan talaga.
Hindi mo kasalanan ang mga 'yon. Wala lang talaga akong masisi at takot akong iwanan mo ako gaya ng kapatid ko. Binuhay kita sa paraang masakit at hindi ka malaya.
Hindi ko hihilingin ang patawarin mo ako.
Ang gusto ko ay patawarin mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman talaga kasalanan.- Rose Anne. ”
Humagulgol na lamang ako at inilabas kung ano ang aking nararamdaman..Nakakapagod na kailangan pang umabot sa ganitong paraan , sa mga bagay na mas masakit kesa ang harapin noon.
Niyakap ko ang aking sarili at patuloy na umiyak. Hindi ko alam kung paano ako maguumpisa sa mga nangyari sa akin. Kung paano ulit ako tatayo at lalaban.
Hindi ko namalayan ang antok. Dala narin siguro ng matinding pagkapagod. Hinayaan kong antukin ako upang mawala ang bigat ng nararamdaman ko.
YOU ARE READING
DEAR CALI | COMPLETE ✓
Genç KurguSi Alexyie Ortega ay isang SHS student na mahilig mag-explore sa buhay. Mahilig siyang sumuporta sa mga kpop at ppop idols kaya hindi na nakakapagtaka kung marami siyang nagiging kaibigan kahit nasa gitna tayo ngayon nang isang pandemya. Ngunit pap...