"Oh anak? kamusta school?" Tanong agad ni mama pagka pasok at pagka pasok ko palang sa pinto ng bahay."Ayos lang naman ma, nakakapagod lang pero enjoy naman po" sagot ko sakanya
"Mabuti naman kung ganon, last year nyo naman na ito sa High School eh kaya sulitin nyo nalang at enjoy talaga kase pag college na kayo siyempre stressed na kayo nyan, jan nadin kase naka salalay ang magiging future niyo" aniya,
"Opo ma" sagot ko "Nga po pala ma, nasaan si Necole?" napansin ko kase na wala yung kapatid ko
"Andon sa kwarto niya kanina pa yun andon di ko alam bakit. Puntahan mo nga sabihan mo na din kakain natayo ng hapunan patapos nako mag luto dito." sumang ayon nalang ako sakanya at pumunta na muna sa kwarto ko para mag lagay ng mga gamit ko at nag bihis nadin tsaka pumunta na sa kwarto ng kapatid ko since magkatabi lang naman yung kwarto namin.
*knock*knock*knock
"Hoy papasukin moko" sabiko habang katok padin ng katok sa pinto ng kwarto niya
"Bukas yan baliw!" tinry kong buksan.. ay bukas nga HAHAHAHA tanga ko di konaman inikot yung door knob kumatok lang ako (T_T)
"Gawa mo?" tanong ko sakanya tsaka siya dinaganan sa kanyang pagkaka higa
"Aray ko! Naka higa malamang nakita mo naman e, mag tatanong kapa duh" pagka tapos nya yong sabihinay nag tago siya kaagad sa ilalim ng kumot
"Taray ha kutusan kita jan e" bigla konaman siyang sinakyan HAHAHA pang asar lang sakanya dahilan para lumabas siya sa kumot kaya bumaba din ako kaagad
Nabigla ako kase umiiyak siya
"Hala gago bat ka umiiyak? anong nangyare sayo?" tas bigla siyang humagulgol lah gago wala akong kasalanan dito maaaa!
"Eh kase ate yung crush ko di ako gusto" mas lumakas pa yung iyak nya, ako naman di ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatawa sa mukha nya pangit kase umiyak.
"Hoy gaga baliw kaba hinaan mo yung iyak mo baka isipin ni mama inaway kita jan" tsaka ko siya niyakap. "Ayos lang yan, ganyan talaga ang buhay ang importante, mahalaga" natawa nalang ako sa sinabi ko kita mo yan sarili kong joke sarili ding tawa huhu
"Eh kase ate eh ginawa konaman lahat para magustuhan niya ako, pina pakopya ko pa nga siya ng assignment tapos sa best friend ko pala siya may gusto" ouch sakin nga non teka di ko alam sasabihin ko
"Ano ba pangalan non uupakan ko" tanong ko sakanya tiningnan namanniya akong masama "Char lang 'to naman di mabiro"
"Ok langyan wag mo nalang dibdibin wala ka naman non" tinulak nya naman ako bigla tinawanan kolang siya "Alam mo eto seryoso, Di mo mapipilit yung tao na mag kagusto sa iyo pabalik, di monaman kase madidiktahan ang puso eh. Kung gusto o mahal mo nga siya hayaan mo siyang maging masaya kahit ikakasakit mopa iyon. Tsaka bata kapa naman marami pang lalaki ang dadaan sa buhay mo no sa ganda mong yan eh"
"Heh! ewan ko saiyo ate nam bola kapa" aniya
" Ay sa totoo naman eh, walang pangit saatin no! Ikaw lang ang pangi mo umiyak kaya tumahan kanajan. Mag move on kanalang tsaka madami pang lalaki jan hayaan mo na yon ha"tumango nalang siya saakin "Oh siya mag hilamos kana at bumaba na kakain na tayo baka magalit pa si mama hintayin ka nalang namin sa baba ha" sumang ayon nalang din siya at nauna na akong bumaba sakto naman at kakatapos lang ni mama mag luto
"Oh asan na yung kapatid mo?" tanong naman ni mama saakin
"Pababa nadin po sya nag hilamos lang po" tumango nalang din si mama. Bahagya kong chineck muna ang phone ko at inopen yung FB at nakita ko ulit yung friend request ni Francis saakin. Matagal tagal kodin iyong tinitigan nag dadalawang isip kung i aaccept koba o hindi.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End
Non-FictionLove Me Till The End Isa si Patricia Alexandra Alonzo sa mga naniwalang, 'Ang pag ibig ay tumatagal at mas nagiging matatag kung pareho kayong may tiwala sa isat isa at patuloy na lumalaban' Kanya din na naranasan ang relasyon na iyon ngunit paano...