Chapter 1

64 10 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa pinapasukan kong paaralan ngayon peaceful din naman kase dito sa probinsya walang traffic di gaano karami yung sasakyan at fresh air talaga kaya kolang din nilalakad lang kase walking distance lang naman.

Kung iniisip ng karamihan na puro mahihirap lang ang tumitira sa probinsya nagkakamali kayo kase yung iba may kaya din naman isa narin kami don.

Marami narin akong iniisip ngayon kahit kaka start palang ng school year na ito pero kinakabahan parin ako kahit na last year na namin to sa high school di ko kase ma Imagine kung ano yung mga mangyayari after ng s.y nato hays hayaan na nga muna matagal-tagal panaman yun.

Nasa hallway nako ng school ng may narinig akong tumatawag sakin. At alam kona talaga kung sino ang mga yun. Mga bunganga talaga ng mga to eh sobrang ingay (=_=)

"Lunaaaaaaaa!!!"  Napakalakas na sigaw nila habang papunta sakin para salubungin ako jusko parang nahiya naman ako bigla sa ibang estudyante dito kase sila lang yung nga tinitingnan.

"Ang ingay nyo jusko naman parang ilang taon tayong di nag kita niyan" Sabay tawa kong sabi nung nakalapit na sina Anthea at Sunny sakin.

Sila talaga yung mga kaibigan ko simula nung Elementary palang kami.

"Loko eh kase na excite langdin kami kung pinayagan kabang sumali sa field demo, Ano pinayagan kabaaaa???" Bungad ni Anthea sakin

"Sana naman oo kase kung hindi nako susugod talaga ako sa bahay nyo para kumbinsihin si Tita" Tumawa naman kami sa sinabi ni Sunny

"Mga baliw, Oo pinayagan ako akala konga kahapon di ako papayagan ni Mama eh buti nalang alam na niya yung about sa School activity na iyon" mahina naman akong tumawa pagkatapos kong sabihin yon

"Eyooownn!!!!" Sabay nilang sigaw

"Akala talaga namin beh di ka papayagan" sabi naman ni Sunny sakin

"Akala nyo lang yon" bahagya naman akong tumawa "Ay nga pala san mag papalista?" Tanong ko sakanila habang papasok kami ng room

"Sa kabilang section lang girl mamaya daw afterclass" sabi naman ni Anthea sakin kaya umo-o nalang ako.

Nag sipunta nakami sa aming mga sariling upuan kase mag ta time nadin.

Mayamaya pa ay dumating nadin ang prof namin at kung minamalas nga naman nakalimutan kong Math pala yung first sub namin hayss umagang umaga stress na

Nag di-discuss na si Sir about sa first lesson namin ngayon buti nalang nakapag advance study nako sa topic na ito, last week kase di siya nakipag meet saamin binigay niya lang yung mga magiging topic namin this quarter at kilalanin din daw muna namin ang isat isa sa classroom.

Every year kase paibaiba yung magiging classmates mo depende sa general average mo merong tumataas yung section meron ding bumababa at nasa middle lang kami yung tsakto lang. Laki din nga ng pasalamat ko kase magkaklase parin kami ng mga bruhang yon Imagine since Elementary kaya kilalang kilala kona yun mga yon.

Love Me Till The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon