Chapter 4

1 0 0
                                    

Mike's POV

Paglabas ko sa aking opisina ay nagkakagulo na ang mga tao.

"Sir! May nag-aaway po" pag-imporma sa akin nang isang bouncer.

"Turn on the main light." Utos ko rito na agad naman niyang ginawa.

Nang naging maliwanag ang paligid kaagad kong pinuntahan ang area na may nag-aaway. Ngunit bago ako makalapit ay naaninag ko ang papalabas na si Kuya Z at ang bitbit nitong babae.

'Shaira?'

Anong nangyayari? Ba't andito si Kuya Z?

"Kuya Z? Anong nangyari?" Tanong ko rito habang sinasabayan ang lakad nito.

"Ban that man in your bar. I dont like what he did." Sabi nito bago umalis.

Lagot! Sinong mokong ang nagpagalit kay Kuya Z? Pinuntahan ko ang sinasabi nitong lalaki at boom sapol. Knock out ang g*go.

"Everyone settle down please. You can continue the party. Sorry for what happened. The drinks are on the house" sabi ko na nagpahiyaw sa mga tao. Ilang minuto lang ay nagsimula na ulit ang music at ang pagpaparty nang mga tao.

Ipinabuhat ko sa mga bouncer ko ang walang malay na si Mr. Lee. Jesus! Sa lahat-lahat talaga nang sinapak ni Kuya Z yung avid customer ko pa.

"Bring him in the nearest hotel. Use his cards" sabi ko sa mga tauhan ko. At sinundan sila hanggang sa labas.

"John!!" Pagtawag ko sa aking receptionist. "Ban Mr. Lee. You wont let him in, no matter what happened" sabi ko rito na ikinatango niya.

Papasok na sana ako nang tumatakbong lumabas si Jonas. "Bro!" Pagtawag ko rito pero hindi niya ako narinig dahil sa pagmamadali nitong makasakay nang taxi.

Weird!

I'm on my way to my office when my phone rang. Nagmamadali akong pumasok sa opisina at sinara ang pinto bago sinagot ang tawag. My office is soundproof so no worries.

"Yes?" Sagot ko sa tawag.

"Dude!! Nakita mo ba yung linta?" Parang galit na tanong ni Alex.

Kapag linta na ang hinahanap nito si Shaira ang ibig niyang sabihin. "Kakaalis lang dito sa bar, dude! Nawalan ng malay kaya karga-karga ngayon ni Kuya Z" sabi ko sa kanya.

"Pano ba siya napunta diyan? Hinahanap siya ni Daddy. Ako pa tuloy ang pinagalitan. Ar bakit ba sila magkasama ni Kuya Z?" Sunod-sunod na sabi nito.

"Sabi niya kasi dude na pinapunta siya ng daddy mo rito dahil ipapakuha niya daw yung scented candle na ipinasuyo niya sa akin. Iniwan ko siya sa loob para hanapin yung kandila pero hindi ko mahanap. Paglabas ko ayon nagkakagulo na at wala na siyang malay" paliwanag ko sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi siya pinapunta ni Daddy diyan kaya nga hinahanap siya ngayon ni Daddy eh. Kasi bigla nalang nawala. At hindi mo talaga mahahanap yung kandila kasi nakuha ko na yun noong nakaraang linggo" sabi nito na nagpatigil sa akin.

Love In ChargeWhere stories live. Discover now