Pikit ang mga mata habang nakaluhod at nakalapat ang mga kamay sa isa't- isa. Taimtim akong nagdasal sa panginoon, nagpasalamat sa panibagong buhay na ibinigay niya sa akin at sa panibagong pagkakataon na kanyang ipinresenta.
"Amen" marahan kong saad matapos ang pagdadasal ng pasasalamat.
Tahimik akong umupo sa upuan at pinagmasdan ang buong simbahan. Ang kayumanggi na krus kung saan nakapako ang anak ng diyos ay nasa pinakagitna ng altar na kulay ginto at napapalibutan ng mga bulaklak na malapit ng malanta. ang mga santo sa tabi ng krus ay madali mong makikilala kung palagi kang nandito.
napadako ang tingin ko sa kisame ng simbahan. ang mga nakapintang mukha duon at ilustrasyon ay halatang pinaghirapan at lalo pang pinaganda ng mga ilaw na nakatapat dito.
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay na may hawak na antigong rosaryo na gawa pa sa kahoy ng punong narra. Hinawakan ko ang krus at bahagyang hinaplos bago napabuntong hininga.
Payapa ang buong kapaligiran at ang makulimlim na langit, payapa ang hangin at ang mga bulaklak na tila nang aakit pero may kung anong mabigat na nararamdaman ako sa dibdib ko.
Paminsan-minsan ay may takot pa din sa puso ko kahit ilang taon na ang nagdaan simula ng tumakas ako sa amin.
Minsan ay iniisip ko pa din na baka makuha ulit nila ako, na baka pilitin nanaman akong gawin ang mga bagay na hindi ko gusto, na baka ang totoo nakabantay lang sila sa akin at pinapanood ang mga kilos ko at isa sa mga araw na ito kunin na ulit nila ako para gawin ang tinakasan ko, pero hindi na siguro mangyayari yun.
mahigit anim na taon na ang nagdaan.
labing pitong taong gulang ako ng tumakas at ngayon ay dalawang po at tatlo na pero kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang nangyari noon sa akin.
ang nanay ko si Victoria Romano ay isang filipina habang ang ama ko si Marcello Romano ay isang italyano.
bahagya kong pinunasan ang luhang papatulo na. Hindi ko naman ginustong tumakas sa puder ng mga magulang ko pero wala akong pagpipilian at hindi rin naman nila ako hinayaang pumili.
mahal ko si mama at papa pero hindi ko kayang tumalikod sa debosyon ko sa panginoon.
gusto nilang pakasalan ko ang isang estranghero para sa negosyo at wala akong karapatan na tumanggi dun.
Buong buhay ko ay nakatatak na sa isip ko na tanging sa diyos at sa simbahan lang ako ikakasal, hindi kahit kanino at kahit sino, sa panginoon lang dapat ako.
Sa diyos ko na ipinangako ang buong buhay ko at hinding-hindi nila ako maikakasal sa kung sino.
"once you turned 18 you will marry the scion of Arseny" matigas na banggit ng ama ko.
tumingin ako sa kay mama. ang mga mata nito ay bahagya ring may luha at tila sinasabi na kahit siya ay walang magagawa.
"yes papa" ngumiti sa akin ang ama ko at malambing nitong ikinawit sa tenga ko ang buhok na tumatakip sa mukha ko.
"we need to do this to strengthen our family's position in this field Vittoria" dagdag pa ng ama ko.
"i know papa" mahina kong saad. matamis na ngumiti ito sa akin bago ako hinalikan sa noo at iniwan.
"Vittoria" ang malambot na boses ng nanay ko ang agad na humakab sa pandinig ko matapos ang ilang segundong pananahimik pag alis ng sarili kong ama.
"m-mama" agad na umiyak ako sa harapan niya.
sabi daw nila kasing lambot ko daw si mama. Hindi lang ang inosente at magandang mukha nito ang naman ko kung hindi pati narin ang pagiging mahina nito.
Grandma, my father's mom told me that i and my mother are the angels sent by the saints to save papa from how cruel he is, we are here to soften him a little bit because he's vainful. nakakatakot.
sana kaya ko ring iligtas ang sarili ko mula sa gusto niyang mangyari.
"i'm sorry hija" lumuha rin si mama. LUmuhod ang babae sa harapan ko at pinunasan ang mga luha ko.
"i can't do anything about it Vittoria. I can't change your father's mind. Gustong-gusto niyang mas lumakas ang tindig ng kompanya" saad ni mama. Hinaplos ulit nito ang pisngi ko.
"don't worry hija i heard that he is a good man. Sinigurado muna namin"
nang gabing yun ay ilang araw nalang bago ang kaarawan ko. malapit na akong ikasal sa lalaking hindi ko pa man nakikita at tanging huling pangalan lang ang alam ko.
"lola" i called my mother's mom.
isang sabi ko lang dito at naging mabilis ang pagsaad niya ng tulong.
"a driver will pick you up after school. it will bring you to the airport and you will ride a private plane, you will go home to me, here in the Philippines okay apo?" marahang bigay nito ng instruksyon sa akin.
at gamit ang pera at kapangyarihan ni lola, hanggang ngayon ay nakatago pa rin ako dito sa simbahan.
"goodmorning sister Ria" bati sa akin ng isa sa mga estudyante ng kumbento na nasa loob lang din ng simabahan.
"magandang umaga din" matamis akong ngumiti dito.
"kukunin ko lang po sana yung mga lantang bulaklak sa altar sister Ria. pinapapalitan po ng mother superior, darating na daw po kasi yung bagong sponsor ng church" tumango ako dito at tumayo narin.
inilagay ko sa bulsa ko ang hawak na rosaryo.
"tutulungan na kita"
2/8/22
BINABASA MO ANG
Bondage
RandomSister Vittoria, a nun, never imagined that she will enjoy the depraved kind of pleasure. Because, yes, she is always submissive, but only to the Almighty God and never to this god.