Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni mother superior bago ako nito inutusan na magtimpla ng maiinom para sa bisita niyang nasa loob na ng opisina.
Ang mga marka nito sa mukha na senyales ng pag-edad nito ay hindi naging balakid para maipakita kung gaano kagaan ang kasalukuyang nararamdaman nito.
natutuwa ang matandang babae dahil malaki ang magiging donasyon ng bagong sponsor ng kumbento at simbahan dahil ayun mismo sa mother superior ay mayaman daw talaga ang magd-donate at malambot ang puso sa nga kapos-palad.
Nalaman kong katulad ko ay may dugo ring filipino ang panibagong sponsor pero hindi ito dito sa Pilipinas naninirahan kung hindi sa ibang bansa. Pumupunta lang daw ang sponsor dito occasionally
Napangiti rin tuloy ako.
Madaming bata at matatandang nasa lansangan nanaman ang mapapakain namin at makukupkop at, madami rin kaming mabibigyan ng scholarship kapag nagkataon.
iniisip ko pa lang na madadagdagan ang mga taong matutulungan namin ay napapangiti na ako. Salamat sa diyos at binigyan niya ang kumbento ng panibagong biyaya sa katauhan ng panibagong sponsor.
Iginaya ko na ang sarili ko papunta sa maliit na kusina.
Naghugas muna ako ng kamay bago ko kinuha ang mga baso at nagsimula ng gumawa ng inumin, matapos magawa ang pagtitimplang iniuutos sa akin ni mother superior ay inilagay ko na sa tray iyon, sinamahan ko na rin ng ilang pirasong tinapay at nagtungo na sa opisina.
Ang kahoy at kayumangging kulay ng kahoy na dingding papuntang opisina ay nagpapakitang matagal na ang buong estraktura. Maganda parin naman ito at namaintain ang kalidad pero may ilan kasi na kailangan ng palitan dahil delikado na sa sunog.
Nang marating ko na ang harapan ng opisina ay hindi ko na kailangan kumatok dahil bukas na ang pinto at napansin na agad ako ni mother superior kahit hindi pa ako nakakalakad ng sumatutal sa entrada.
"sister Ria dito mo ilagay" saad nito at itinuro ang coffee table. sinunod ko ang utos ng matandang babae, marahan at maingat kong inilagay sa lamesa ang tray na kapit.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong nakaupo sa asul na couch ang bisita.
Hindi parin natatanggal ang bakas ng ngiti sa labi ko, hinarap ko ito para sana batiin ngunit bahagya akong natigilan ng tumayo ang lalaki.
Formal at diretso ang tindig ng matangkad nitong tikas at maganda nitong itsura.
The man reminds me of Le génie du mal. A religious statue of the fallen angel in Liège Cathedral.
Literal na mukha itong anghel na inihulog ng langit, itinakwil ng diyos pabagsak sa lupa dahil sa kasalanan. Kunot ang noo nito at marahas ang pagkakaguhit ng magkasalubong nitong kilay, tila galit pero perpekto.
Ang kayumanggi nitong kulay ay bumagay sa buo niyang itsura. Mas lalong pinagaspang ang tila nakakaintimida na nitong tingin.
Siguradong manliliit ka kung siya ang makakasama mo sa iisang kuwarto.
"Good morning sister" ang baritonong boses nito ay agad na nakapagpataas ng balahibo ko.
Napakurapkurap ako at tila nawala sa sarili.
Ano bang nasa utak ko at inisip ko ang mga yun
Mula sa gilid ko ay nilapitan ako ng mother superior at inilapat ang kamay niya sa aking likuran "sister Ria, this is Mr. Maxim Pavel Arseny" hindi pa ako bahagyang nakaka-alis mula sa pagpapapuri sa itsura niya ay panibagong mas nakakagulat na salita nanaman ang narinig ko.
Arseny? napatingin ako lalo dito at bahagyang napaatras, kitang-kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin dito.
Arseny? tama ba iyon? Arseny ang lalaking to?
Masyadong nakakahilo ang nangyayari.
"g-good morning po s-sir M-maxim" bati ko din dito at kahit kinakabahan ay pinilit ko ang sarili kong makangiti dito.
pakiramdam ko ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
scion of Arseny. narinig kong muli ang saad ng ama ko.
siya ba yun?
Pero baka hindi naman siya yun hindi ba?
agad na lumukob ang takot sa akin.
paano kung siya nga iyon? kukunin niya ba ako?
"You look pale sister Vittoria" lalong nanlamig ang sistema ko ng sinabi niya ang pangalan ko.
kilala niya ako? hindi kaya tama ang hinala ko?
Ang malamig na sensasyon ng hangin at titig niya ay hindi nakatulong sa nagpapawis ko ng noo at palad.
siya ba ang tinutukoy nina papa na papakasalan ko?
Bakit siya nandito!? matagal na akong nawala.
"oo nga sister Ria" sabat ng mother superior. Nag-aalala na ito sa akin "may sakit ka ba hija? masama ba ang pakiramdam mo?" nahahabag nitong tanong.
Napadakong muli ang tingin ko sa bisita. Nakatitig lang ako sa lalaki at ganun rin siya sa akin. ang mga ngiti nito sa labi ay tuluyan ng nakikita, nakakaakit oo pero iba ang dala ng ngiti niya sa akin.
"w-wala po " saad ko. umiwas ako ng tingin sa lalaki bago napagdesisyunang umalis sa loob ng kuwarto.
"s-sige po mother superior, sir Maxim lalabas na po ako" magalang kong sabi. tumango ang matandang ginang, bakas parin ang alala sa mukha. Muli akong napabaling sa lalaki na titig na titig pa rin sa akin.
Lumakad na ako palabas ng opisina, nagmamadali, tsaka ko lang napansin na nanginginig na pala ang mga kamay ko at hindi na normal ang paghinga ko.
Nahanap na nila ako. Hindi ako sigurado kung kukuni
Ibabalik na niya ako sa amin at iniisip ko palang yun ay hindi ko na alam ang gagawin.
Hindi ko kayang iwan ang kumbento at debosyon ko sa piniling trabaho.
hindi ko kayang magpakasal
"sister Ria ano pong nangyari bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong sa akin ng isa sa mga madreng kasama ko.
Nasa may labas na pala ako ng kumbento at nasa harapan na ng mga halaman. HIndi ko na namalayan dahil sa iniisip.
mabilis na hinawakan ko ang pisngi ko at pinahidan ang nga luhang tumutulo dun.
"ayos ka lang po ba?" puno ng alala niyang sabi.
Ang kamay ko ay nanginginig parin dahil sa takot at kaba.
"A-ayos lang" pero pumapatak na ulit ang mga luha sa mata ko.
Happy Valentines day!
2/14/22
BINABASA MO ANG
Bondage
RandomSister Vittoria, a nun, never imagined that she will enjoy the depraved kind of pleasure. Because, yes, she is always submissive, but only to the Almighty God and never to this god.